Jessy Mendiola, ‘di pa raw handang magmahal

ADVERTISING

Jessy Mendiola, ‘di pa raw handang magmahal

Jessy-Mendiola Jessy-MendiolaPARA KAY Jessy Mendiola, hindi pa siya handa sa panibagong pakikipagrelasyon, pero hindi siya nagsasarado ng pinto kung saka-sakaling may taong magpapatibok talaga ng kanyang puso.

Sa interview namin sa aktres, sinabi nito na parang kuya ang pagtingin niya kay Jake, dahil sa taas ng paghanga niya rito at nararamdaman niya na hindi sila talo.

Nang kumustahin naman namin ang panliligaw sa kanya ni Sam, sinabi sa amin ni Jessy na matagal na silang ‘di nakapag-uusap na dalawa, at tingin niya ay huminto  na sa panliligaw ang aktor.

Sa pagkakaugnay naman nila ni JC de Vera, inamin ni Jessy na nakapag-uusap na sila noon pa ni JC. Pero sa isyung lumabas na nakita silang magkasama na gumimik, klinaro sa amin ng aktres na nagpa-set-up siya ng isang dinner sa Greenbelt para sa despedida ng dati niyang road manager na paalis na ng bansa ngayong buwan, at road manager din ni JC. At dahil pasara na ang nasabing restaurant ay lumipat sila ng iba pang resto, pero grupo sila.

ADVERTISING

Patapos na ang Maria Mercedes na napaka-memorable kay Jessy, dahil dito siya ipinakilala bilang isa sa leading lady ng ABS-CBN. Sa ngayon ay magpapahinga muna ang aktres dahil sa pagod at puyat sa araw-araw na taping nila para sa pagtatapos ng pinagbibidahang serye.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING