Jessica Soho, tinitira sa social media dahil sa isyu kay Vhong Navarro

ADVERTISING

Jessica Soho, tinitira sa social media dahil sa isyu kay Vhong Navarro

Jessica-SohoMAGING SI Jessica Soho ay inumpisahan na namang i-bash ng mga sumusubaybay sa kaso ng pambubugbog ke Vhong Navarro. Nariyang isine-share din nila ang “State Of The Nation” newscast ni Jessica kung saan malinaw nitong sinabi sa kausap na field reporter na, “Kailangan pa ba ang CCTV footages para gawing ebidensiya ng NBI?”

ADVERTISING

At ‘yung isa pa: “So ang mga CCTV footages ay tumutugma sa mga salaysay ng kampo ni Cedric.”

At kami mismo ay umaray ko po sa tanong at statement na ‘yon ni Jessica sa field reporter na puro playsafe lang ang mga isinasagot kay Jessica.

Juice ko naman, kahit naman siguro si Jessica ang ma-rape (no pun intended) at nakakuha ng CCTV footages, madadali ang paghuli sa mga gumahasa sa kanya.

ADVERTISING

Gano’n lang naman ‘yon kasimple.

Pero siyempre, kami ay isa ring TV host, kaya gusto naming intindihin si Jessica na kung minsan, ‘yung nasasambit niya ay wala sa loob niya o namali ang kanyang pag-construct ng sentence, dahil hindi lang niya talaga mahagilap ang mga tamang words na dapat sabihin sa ere.

Hindi ko rin naman sasabihing na-misinterpret lang si Jessica, dahil malinaw nga ang tanong niya na parang ang dating sa ibang spectators ay, “So, ang ibig sabihin ni Jessica, ba’t ipinakita pa ‘yung CCTV footages eh, wala rin namang kuwenta ‘yon?”

Anyway, kung ‘yung iba ay hindi pa napatawad si Jessica, kami ay naiintindihan namin kung saan nanggagaling si Jessica.

Hashtag alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING