Jessica Soho, ‘pinaglaruan’ ang mga beki sa show

ADVERTISING

Jessica Soho, ‘pinaglaruan’ ang mga beki sa show

Jessica-SohoBATIKOS ANG inabot ni Jessica Soho dahil sa segment nito about gays na merong bulok na mga ngipin sa recent episode ng show nito.

Diring-diri ang isang writer dahil tila pinaglaruan ang mga beki sa segment. Ilang bakla sa Cavite ang naging tampok sa programa na bulok na ang mga ngipin na ginawan ng pustiso ng Philippine Dental Association.

In bad taste, ayon sa writer, ang feature dahil nakakadiri itong panoorin sa TV. Sa dinami-dami naman ng merong bulok na ngipin sa Cavite ay bakit ang mga beki pa ang napili nilang i-feature.

Napanood namin sa internet ang said episode at medyo naloka nga kami. Kahit na ba past dinner na ang airing ng show ay medyo hindi siya kagandahang panoorin.

ADVERTISING

Sino ba naman ang gaganahang makita ang mga bulok na ngipin sa TV? Nakakadiri siya, ‘di ba?

Ayun, napulaan tuloy si Jessica. Sabi pa ng writer, binaboy ng show niya ang mga beki, pinaglaruan ang mga ito under the guise of a feature.

Sabi pa ng writer, nawala ang respeto niya kay Jessica dahil sa segment na ‘yon ng mga bakla.

Ano kaya ang masasabi rito ni Jessica na tila nawala ang sense of discernment dahil sa feature na ‘yon?

Isa pa, tila pinalalabas ng show na merong bad oral hygiene ang mga beki.

Ano ba naman itong si Jessica, hindi pala gender sensitive!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING