Jessica Soho, ‘di nakapalag kina Marian Rivera at Dingdong Dantes

Jessica Soho, ‘di nakapalag kina Marian Rivera at Dingdong Dantes

Jessica-SohoIT WAS obvious na sina Dingdong Dantes at Marian Something plus Jessica Soho ang subject sa blind item na lumabas sa Fashion Pulis recently. Kasi naman, the clues were very identifiable. It says about a couple na merong isang grand event na magaganap. Obviously, ang wedding nina Dingdong at Marianita ang tinutukoy.

Nakasaad sa blind item na ang daming Kapuso ang pilit na pinag-participate daw ng network para maging isang malaking event ang kasal ng dalawa.

Meron daw palang naka-schedule na interview ang isang media personality sa isang grupo ng mga bata na galing pa sa malayong probinsiya. Dahil sa merong hinahabol na oras, hindi raw natuloy ang interview sa mga bata kahit nandito na sila sa Maynila. Kailangan kasing i-rush ang interview ni media personality sa network prized talent. Naimbiyerna tuloy ang mga madir ng mga kabataan dahil pinaasa sila. Isa pa, nagpagod sila at nagkagastos pa kaya naman iritadong-iritado raw ang mga ito.

Ang hula ng marami, ito ‘yung interview ni Jessica Soho kay Marianita sa school niya.

True ba ang story na ito, Dingdong, Marianita, Jessica? Aba, kung true, nagamit nang todo si Jessica at parang wala siyang power. Biruin mo, na-bump off ang interview niya sa mga bagets in favor of Marianita and Dingdong. Walang nagawa si Jessica, wala pala siyang binatbat sa collective power ng magdyowa. That is, kung true nga ang blind item sa kanila.

How sad, ‘no? Imagine, kinailangang magsakripisyo ng mga bagets para lang sa kasal ng dalawa? How cruel, ‘di ba? Buti na lang daw ay na-reimburse ang ipinamasahe ng mga bagets at mga kasama nilang adult.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas