Jessica Sanchez, walang lahing Mexican?!

ADVERTISING

Jessica Sanchez, walang lahing Mexican?!

Jessica Sanchez, walang lahing Mexican?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Kaya naman don’t make your Monday a blue Monday! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng bonggang-bonggang yours truly ola chikka na!

OMG! Iba talaga si Jessica Sanchez, bongga! Kasi nga, umabot siya sa mga ganyang eksena, ibig sabihin na kakaiba talaga ang karisma at galing niya. Kaya lang, may mga bali-balita na kakanta nga raw ito sa laban ni Manny Pacquiao at si Manny pa mismo ang nag-text sa nanay ni Jessica. Kaya lang, kaloka lang ang nanay niya. Itinanggi nitong nag-text sa kanya si Manny. Kumustahin mo nga naman, ‘no?

Bakit kaya ang mga nanay, parang sinisira nila ang career ng mga anak nila, dahil ultimo mismo ang nanay ang hard na nagpapa-interview. Hindi lang mailabas sa ibang bansa ang interviews ng nanay ni Jessica at picture, dahil mainit pa ang labanan sa American Idol, baka madisqualified lang daw.

ADVERTISING

At merong bali-balita na uuwi raw ito sa kanyang lugar dito sa Pilipinas sa Bataan. Kumustahin mo naman ‘yun? Wala pa raw silang balita kung uuwi sila sa ngayon, marami na raw kasing feeling close kay Jessica ngayon na akala mo naman daw talaga ay kakilala.

Pinanghahandaan nila ngayon ang motorcade at tulung-tulong naman daw ang mga Pinoy rooon sa suporta kay Jessica Sanchez. Kaya lang, OMG! Marami kasi ang kumakalat sa San Diego na hindi raw true na half-Mexican si Jessica. Wala raw bahid ito na dugong Mexicana. Kaloka naman ang mga intriga at marami, raw ang magpapatunay roon.

Bakit kaya? Kaloka naman, ‘di ba? For sure kung ano man ang mga eksena niya ngayon, ganyan talaga ang life. Hindi lang ‘yan ang mga intrigang tatahakin niya. Good luck na lang sa kanya!

 

ANOTHER CHIKKA naman ito. Maloloka ka talaga sa Earth na hindi matutuloy ang show ni Sharon  Cuneta bukas, walang katiyakan kung kailan talaga at ang chikka, isasabay na lang sa Mother’s Day. Kaloka!

Bakit siya lang ang nagkaroon ng ganitong eksena at nakakapagtaka lang ay bakit pabago-bago ang set-up, at kung kailan? Ang daming dahilan, o baka naman wala pang pumapasok na commercial?

For sure, walang masyadong manonood dito kung matuloy, dahil marami ang galit sa kanya na mga fans ni Piolo Pascual, dahil sa sinabi niyang si Piolo lang ang hindi puwedeng mag-guest sa kanya?

Bakit parang napaka-bitter naman ni Ate Shawie? Hahaha! Dapat ‘pag ganu’n dedma na lang, lalo na may bago siyang show ngayon na ginagawa. Ikaw na, ‘te!

Ang tanong: Gusto rin ba ni Piolo na mag-guest sa ‘yo? Eh, kung tapatan na lang kaya ng Dos ang show mo, ano kaya ang mase-say mo? Hahaha, kaloka!

 

SPEAKING OF bitterness, bitter pa kaya itong si Andi Eigenmann kay Albie Casiño? Nakakaloka naman kasi ang chikka na nang magkrus ang landas nila sa isang bar sa Makati, bigla na lang niya itong binuhusan ng alak at sinampal!

Kaloka naman, ‘te! At may isyu rin na pagpunta sa CR, nag-aya na si Albie na umuwi, kaya lang pagdating sa parking lot, bigla na lang pinukpok ng bote ng beer.

Kaloka naman, ‘te! Hindi ko na kinekeri. Bitterness ba talaga ang eksena ni Andi? Bakit may ganu’ng eksena?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING