Jesi Corcuera bibigyan ng mga advice si Jake Zyrus sa pagiging transman

ADVERTISING

Jesi Corcuera bibigyan ng mga advice  si Jake Zyrus sa pagiging transman

Jesi Corcuera bibigyan ng mga advice  si Jake Zyrus sa pagiging transman
Jesi Corcuera

KAHIT parehong transman ang former PBB housemate na si Jesi Corcuera at Jake Zyrus na dating si Charice ay hindi pa raw sila nagkikita nang personal.

Ayon kay Jesi, “Hindi pa kami nag-meet. Busy siya, eh. In-invite ko siya para mag-guest sa YouTube channel ko pero  sa ngayon kasi marami siyang schedule, eh.

“In-invite ko siya para… kasi minsan sa channel ko, nagkukuwento ako about transition, like katulad niya, bago pa lang siya, gusto kong magbigay ng advice sa kanya na hindi pa niya alam kasi three months o five months pa lang ata siya (nagiging transman).

“So, marami pa siyang (dapat malaman), mahaba-haba pa.”

ADVERTISING

Ikinatuwa naman ni Jesi na finally ay nag-come-out na rin si Charice Pempengco.

“Siyempre, nakaka-proud. Sobrang nagulat din ako kasi siyempre nagkaroon na siya ng lakas ng loob na mag-out talaga.

“Nag-tweet din ako sa kanya nung nalaman ko yon. Nag-reply naman siya tapos may mga interbyu siya about sa akin.

 “Sobrang gusto ko siyang ma-meet talaga. As in, marami kaming pag-uusapan, sobrang marami,” pahayag pa ni Jesi.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING