Jeron Teng & Jane Oineza A Very Special Love

ADVERTISING

Jane-Oineza-Jeron-TengJERON TENG
Real Name: Jeron Alvin Uy Teng
Birthdate: March 21, 1994
Zodiac Sign: Aries

JANE OINEZA
Real Name: Elizabeth Jane Urbano Oineza
Birthdate: July 22, 1996
Zodiac Sign: Cancer

JERON AND Jane. J&J. Match na match, ‘di ba?
Marami ang naloka nang maging vocal si Jeron Teng sa pagsuporta kay Jane Oineza nang nasa loob pa ng Bahay ni Kuya ang dalaga. Paano ba naman, may mga press releases noon na Jeron is courting Jessy Mendiola (na waley pala) at nade-develop naman si Jane sa kapwa teen housemate na si Joshua.
These days, visible ang dalawa in public appearances at kinikilig ang mga fans tuwing they show their love and support for each other through social media.
Both young with promising careers. Match made in heaven ba ang combination ng basketball at showbiz? Let us check!
Mapagmahal sa pamilya ang Aries, pero hindi ito kasing dedicated tulad ng Cancer. Sa katunayan nga, ang sobrang pagdikit sa pamilya ay maaaring makasakal sa free-spirited na Aries. Importante sa kanya ang freedom at independence, samantalang ang Cancer naman ay nangangailangan ng intimacy at malaki ang posibilidad na maging dependent ito sa kanyang magiging dyowa.
Ang compatibility ng dalawa ay nakadepende sa kung gaano sila madalas mag-usap at kung hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo para sa isa’t isa. Puwede ring turuan ng Aries ang Cancer kung paano maging independent at in return, baka makatulong ang pagiging romantic ng Cancer para ma-tame down nang konti ang Aries. Opposites attract, right?
Emotional support ang kailangan para mag-work ang pagsasamang ito. Vulnerable and emotional ang Cancer woman, habang freedom-loving naman ang Aries. Pwede silang mag-clash in terms of relationship expectations. Dapat ay unang sabak pa lang ay mapag-usapan na nila ang kanilang differences para magkaroon ng fruitful relationship.
Hmmm… looks like a toughie but lovey! J&J will go through some challenges, but they will surely survive. Very special ang samahan nila, ‘di ba?

Pares-Pares

By Madam DaminJeron Teng & Jane Oineza A Very Special Love

ADVERTISING
ADVERTISING