Jerome Ponce, walang selebrasyon sa kanyang birthday

Jerome Ponce, walang selebrasyon sa kanyang birthday

Jerome-PonceHINDI NAGKAROON ng selebrasyon si Jerome Ponce nu’ng birthday niya last June 4. Ayon sa text niya sa amin, nagpakain siya ng mga high school friends at pinsan niya at nagpunta rin ng Tagaytay kasama ng kanyang mga kapatid. Nang tanungin naman namin kung ka-date ba niya ang kanyang special someone on his natal day, wala na siyang reply.

Pa-emote naman ang sagot niya sa text namin kung ano ang kanyang birthday wish. “Wish ko? Sana hindi mawala ang mga tao na malalapit sa akin at part ng buhay ko,” sey pa niya.

Kami ang naka-discover at nag-groom kay Jerome bago siya napunta sa showbiz. Nag-aral din siya ng acting sa Philippine Stagers ni Vince Tanada. Twice din siyang nag-audition sa teen edition ng Pinoy Big Brother, pero hindi siya nakapasok. Ngayon ay iba na ang kanyang manager.

Unang sumabak si Jerome sa kilig-seryeng Be Careful With My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Kapatid ni Janella Salvador ang naging role niya roon. Ngayon ay isa naman siya sa lead stars ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na afternoon series ng Dos. Kasama naman niya rito sina Loisa Andalio, Joshua Garcia at ang bago niyang ka-loveteam na si Jane Oineza.

Happy birthday, Jerome!

La Boka
by Leo Bukas