Jerome Ponce, tapos mabayaran ang Fortuner, sunod na ang pagpundar ng sariling bahay

Jerome Ponce, tapos mabayaran ang Fortuner, sunod na ang pagpundar ng sariling bahay

Jerome Ponce, tapos mabayaran ang Fortuner, sunod na ang pagpundar ng sariling bahayIba pa rin talaga kung masipag ka at masinop.

Sa ilang taon na pananatili sa showbiz ng guwapong si Jerome Ponce, maipamamalaki niya na malapit na niyang mairaos ang hinuhulugang Black Fortuner na binubuno niyang bayaran (or bayad na ba Jerome?).

One evening, napadaan siya sa tambayan ng mga entertainment writers na isang doughnut house sa may bandang Roces Ave. Sinundo ang kaibigan niyang entertainment reporter ding si Leo Bukas.

May post-Christmas dinner ang dalawa.

Sa short chat namin ni Jerome Ponce, masaya niyang ibinalita na happy si Mother Lily at si Ms. Roselle Monteverde sa naging box-office result ng MMFF 2015 entry ng Regal Films na “Haunted Mansion”. “Sabi may bonus daw kami,” nangingiting sabi niya.

Sa ngayon, naghihintay lang siya ng bago niyang project sa Kapamilya Network, kung saan he is managed by Star Magic.

“Pahinga muna ako. Napagod ako masyado during the shooting and promo ng ‘Haunted Mansion’. Ngayon nagapaganda ako ng katawan,” sabi ng binata na comparing him the last time na nakatsika namin siya, ‘di hamak na mas may laman na ngayon ang mga braso niya, at ang dibdib niya, tila matigas na at namumuo ang konting muscles para makabuo ng abs.

Sa ngayon na malapit na niyang mabayaran nang buo ang kanyang hinuhulugang Fortuner, next project ni Jerome ay makabili ng bahay. “Sa ngayon, nagre-rent ako ng bahay sa may bandang Marcos Highway malapit sa Antipolo.Pero gusto ko, pag-ipunan ang bahay na masasabi ko na sariling akin,” pagmamalaki niya sa sarili.

Recently, nag-guest si Jerome sa “Pangako Sa ‘Yo“. Ito yata ang test sa kanya ng Star Creatives, isa sa mga production unit sa Kapamilya Network na gagawa ng bagong teleserye, kung saan kabilang ang binata.

Reyted K
By RK VillaCorta