Jerome Ponce, pinagbawalan na ligawan si Janella Salvador

ADVERTISING

Jerome Ponce, pinagbawalan na ligawan si Janella Salvador

Janella-Salvador-Jerome-PonceKAAGAD NA pinagbawalan ng production staff si Jerome Ponce ng Be Careful With My Heart sa pakikipagmabutihan niya kay Janella Salvador na gumaganap bilang kapatid niyang babae sa kilig serye.

ADVERTISING

Pangit nga namang tingnan na nali-link si Jerome or Luke sa sariling kapatid sa serye, ‘di ba? Mabuti na lang at naagapan ito agad.

Sa ngayon, may bagong girl na inila-loveteam kay Jerome na kasamahan niyang nagti-training sa Lim Aviation owned by his father played naman by Richard Yap.

Si Janella naman ay kay Nicolo (Marlo Mortel) na ipine-pair ngayon at may karibal pa siya, ang bagong pasok sa serye na si Jon Lucas.

ADVERTISING

Bago pa lumabas ang tsismis, nakausap namin si Jerome about the issue ay itinanggi niyang nililigawan ang co-star na si Janella. Pero siyempre, hindi naman kami agad naniwala.

Anyway, sa Be Careful With My Heart unang nabigyan ng big break si Jerome. Naging pasaway siya nu’ng mga unang buwan ng serye, pero malaki na raw ang pinagbago ng attitude nito ayon na rin sa mga nakausap naming staff ng show.

Bagets pa si Jerome nang pumasok sa show, pero ngayon, halatang nag-mature na ang kanyang itsura.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING