Jerome Ponce, nagmukhang engot nang isabay sa hosting ni Robi Domingo

ADVERTISING

Jerome Ponce, nagmukhang engot nang isabay sa hosting ni Robi DomingoJerome Ponce, nagmukhang engot nang isabay sa hosting ni Robi DomingoMAGALING SI Robi Domingo sa hosting at napapatunayan niya ‘yan sa ilang mga segments ng ASAP tuwing Sunday and also sa The Voice of The Philippines.

Last Sunday nagmukhang engot ang baguhang si Jerome Ponce na nagkalat nang nakipasabayan kay Robi sa isang segment.

I don’t know kung biglang salang itong si Jerome at hindi alam kung ano ang sasabihin (may spiels ba na pini-feed ang mga writers sa mga bagets stars na ito?).

Magandang exposure na sana ito para kay Jerome na gumaganap naman bilang binatilyong anak ni Ser Chief sa Be Careful With My Heart, pero waley at sinayang niya ang pagkakataon.

Sablay si Jerome na tuloy maikukumpara mo ang talentless hosting niya sa kalibre ni Robi.

ADVERTISING

Siguro sa susunod, iwasan na lang ng ASAP people na ang mga talents ng Star Magic kung hindi pa sila ready sa kanilang gagawing on-cam or huwag na munang isalang kasabay ng mga mas magagaling sa kanila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING