Jerome Ponce, Janella Salvador at Marlo Mortel, p’wede nang tawaging box-office stars

ADVERTISING

Jerome Ponce, Janella Salvador at Marlo Mortel, p'wede nang tawaging box-office stars

Marlo-Mortel-Janella-Salvador-Jerome-PonceTuwang-tuwa ang mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde sa resulta sa takilya ng “Haunted Mansion” at mukhang bibigyan nila ng bonus ang cast, huh!

ADVERTISING

Masayang-masaya naman ang tatlong bagets na sina Marlo Mortel, Jerome Ponce, at Janella Salvador na kahit first movie nila ang Haunted Mansion ay tinangkilik ito ng publiko. Ngayon ay puwede na silang tawaging box-office stars and not just TV stars.

Imagine, bigating bida sa ibang MMFF movies ang pinataob ng tatlo kaya malamang na nag-iisip-isip na ngayon ng follow-up movie sina Mother Lily at Roselle para sa kanila. Si Jun Lana pa rin kaya ang magdidirek nito?

Anyway, pagdating sa TV career, mukhang si Janella pa lang ang may project this year. Siya ang bida sa teleseryeng “Born For You” ka-partner si Elmo Magalona. Wala pa kaming balita kung merong TV project na gagawin sina Jerome Ponce at Marlo Mortel.

ADVERTISING

Pareho namang nangako ng suporta sina Jerome at Marlo kay Janella Salvador, kahit pa may bago na itong ka-loveteam.

“We will support each other kasi magkakaibigan naman kami,” sey pa ng dalawang binata.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING