Jerome Ponce, inamin sa harap ni Loisa Andalio na crush niya ang dalaga

ADVERTISING

Jerome Ponce, inamin sa harap ni Loisa Andalio na crush niya ang dalaga

Loisa Andalio and Jerome Ponce
Loisa Andalio and Jerome Ponce

Naaliw ang press sa pag-amin ni Jerome Ponce na crush niya ang kanyang “Wansapanataym Candy’s Crush” leading lady na si Eloisa Andalio.

“Actually, noong PBB days, may paghanga (ako kay Eloisa). “’Yun sinabi sa ‘yo ni Janella (Salvador), ‘yun ‘yon. Tapos ‘eto, alam kong nandiyan si Joshua (Garcia), naging kakulitan. And hindi naman po kasi ako na parang nandun ‘yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Nandu’n ako sa ini-enjoy ko lang ‘yung araw-araw ko na trabaho, i-enjoy ko na rin.

“Kasi ano, nangyari kasi merong one time may sinasabi si Janella. May sinabi ako kay Janella, inamin ko na crush ko siya (Eloisa). Sa kanya ko lang inamin ‘yun, tapos sinasabi niya (Loisa), akala niya na may sinasabi akong masama tungkol sa kanya.

“Tapos nang sinabi ni Janella sa kanya na crush ko siya, hindi siya naniwala. Siguro at least alam na niya ngayon. Kaya ikinatuwa ko na hindi niya alam. Ngayon, alam na niya, ‘yun.”

ADVERTISING

‘Yan ang mahabang paliwanag ni Jerome Ponce.

Feeling ba niya ay made-develop siya kay Eloisa now that they are taping for “Candy’s Crush”?

“I don’t know. Siguro depende sa oras. Hindi pa du’n naka-set ang utak ko. Naka-set lang ako sa kung ano siya. Masaya ako ka-work siya and enjoy talaga ako kasi open, dahil wala kang inisip na malisya. Wala kang inisip na parang ginagamit ko ‘yung work para dumiskarte sa kanya, na ginagamit ko ‘yung work para mapalapit sa kanya. Ito siguro ‘yung ibinibigay sa amin na chance,” say ng binata.

“Nabigla ako roon. Ikaw talaga, Ponce, ha? Kasi si Jerome lagi niya akong inaasar, ‘yung ano, parang nagti-trip lang, kaya hindi ko po ini-expect na may crush siya sa akin noon,” reaction naman ni Eloisa Andalio.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING