Jerico, solo lead na sa ‘Amalanhig’ pero walang nararamdamang pressure

ADVERTISING

Jerico, solo lead na sa ‘Amalanhig’ pero walang nararamdamang pressure

Jerico, solo lead na sa ‘Amalanhig’ pero walang nararamdamang pressureSumusunod na sa yapak ni former Laguna Governor ER Ejercito ang anak niyang si Jerico na ang screen name ay Jerico Estregan. Bida na ang binata sa action-horror film ng Viva na Amalanhigit.

       Ayon sa binata, hindi siya nakakaramdam ng pressure kahit hindi kasama ang ama sa pinagbibidahang pelikula.

       “Sa akin, hindi naman ako masyadong napi-pressure. More of excited kung anong magiging result ng movie namin. Kasi ano, I was ready naman beforehand. Before doing this,  prinipare ko yung talent ko when it comes to this industry – yung acting, hosting, dancing and singing,” katwiran niya.

Dahil first time sumabak ni Jerico sa action film kaya hindi raw naiwasan na magkaroon siya ng mga minor accidents.

ADVERTISING

       “Nakatulong sa akin yung pagiging atleta ko. Madali rin lang naman, hindi sagabal yung mga sugat-sugat kasi nga napunti yung pants ko dito, eh.

“No major accidents naman, sugat lang, malalaking sugat lang. Pero okey lang naman,” kuwento niyang natatawa.

Nang tanungin namin si Gov. ER kung pasado na ba sa kanya ang acting ng anak ay napatango agad ang actor-politician.

 

Aniya, “Puwede na siyang pakawalan. Madami na siyang pinagdaanang workshop, eh. Pero yung workshop dapat dire-diretso pa rin.”

Sinang-ayunan naman ito ng binata at sinabing, “Parang walang pinagkaiba iyan sa pag-aaral. Dapat kahit tapos ka na you will never stop studying and learning. Lalo na sa acting, I believe, continues learning process yan, eh,” sabi pa niya.

Ang Kapuso star na si Sanya Lopez ang kapareha ni Jerico sa Amalanhig na showing na ngayong September.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING