Jerico Ejercito, Regal Baby na

ADVERTISING

Jerico Ejercito, Regal Baby na

Jerico Ejercito
Jerico Ejercito

Tuwang-tuwa si Jerico Ejercito dahil isa na siyang Regal baby. Nagpapasalamat siya sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ng Regal Films sa bagong kaganapang ito sa kaniyang karera sa showbiz.
Sa tulong ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, nakumbinsi ang Regal matriarch na mapabilang ang binata sa hanay ng mga tinitingalang artista ng pampelikulang produksiyon. Siyempre pa, plus factor ding maituturing ang itsura ni Jerico Ejercito at talent nito.
Bukod sa kahusayan niya sa martial arts, magaling ding umarte ang binata na hindi kataka-taka dahil ang dugong nananalaytay sa kaniya ay dugong artista. Kumbaga, namana niya ang kaniyang kahusayan sa pagganap sa kaniyang mga magulang na sina dating Laguna Governor na si Jorge “ER” Ejercito at Pagsanjan Mayor na si Maita Ejercito. Palibhasa’y dugong artista, hindi naging mahirap sa binata ang umarte sa harap ng kamera.
At bago  pa man siya maging Regal Baby ay bongga nang maituturing ang kaniyang acting career. Marami na kasi siyang mga pelikulang nilabasan kasama ang kaniyang ama.
Kabilang sa mga pelikulang nagawa na niya ay ang “Manila Kingpin: Asiong Salonga Story” at “El Presidente”. Mayroon din siyang pelikulang nagawa na hindi pa naipapalabas at ito ay ang “Ben Tumbling” na sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay hindi pa nga napanonood sa big screen. Ito sana ang magsisilbing launching movie ng binata.
Pero for sure, ngayong nakakontrata na siya sa Regal Films ay asahan na mabibigyan siya ng malalaking proyekto na lalong magpapatingkad sa kaniyang karera sa showbiz.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

ADVERTISING