Jericho Rosales, walang sama ng loob sa inalisang management company

ADVERTISING

Jericho Rosales, walang sama ng loob sa inalisang management company

Jericho-RosalesUMALIS NA sa Manila Genesis na pag-aari ni Angeli Pangilinan, asawa ni Gary Valenciano, ang singer-actor na si Jericho Rosales. Bumalik na ulit siya sa pangangalaga Star Magic. Eight years nawala sa Star Magic si Echo, pero bago siya lumipat noon sa Genesis, 10 years siyang nakakontrata sa Star Magic.

Ngayong bumalik na ang aktor sa original home studio niya, masaya ang kanyang pakiramdam.

“I’m so happy! It’s nice to be back. Everything just feels right and fine,” sambit pa niya.

Siniguro naman ni Echo na there is no bad blood between him and Genessis.

ADVERTISING

“Genesis remains to be a family and same with Star Magic, where I started. It just felt good to see familiar faces and I’m excited to be working again with Star Magic,” paliwanag pa ng aktor.

Few months ago, Jericho once again showcased his versatility as an actor sa pagganap niya sa karakter ni Adrian sa  The Legal Wife kasama sina Maja Salvador at Angel Locsin.

Sa fans na nakaka-miss sa aktor, meron siyang bagong teleseryeng ipalalabas sa November titled Bridges at muli niyang makakasama si Maja. Magsisimula na ang kanilang taping this week.

Meron din siyang entry sa Cinema One Originals  titled Project Red na ipalalabas din sa November. Kasama niya sa action-drama movie si Mercedes Cabral at Nico Antonio. May concert din ang singer-actor sa Malaysia.

On a personal note, kagagaling lang ni Jericho at ng asawang si Kim Jones sa kanilang honeymoon. Matatandaang ikinasal ang dalawa sa Boracay last May. The couple also graced the Star Magic Ball last September 6.

Last Sunday, nag-celebrate ng kanyang birthday si Jericho sa ASAP 19. He will be turning 35 on Sept. 22.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING