Jericho Rosales, para raw hunyango si Arci Muñoz

ADVERTISING

Jericho Rosales, para raw hunyango si Arci Muñoz

Jericho Rosales & Arci Muñoz
Jericho Rosales & Arci Muñoz

Puring-puri ni Jericho Rosales si Arci Muñoz na leading lady niya sa “Magpahanggang Wakas”.

“Sport ito, eh. Kahit na i-bully namin siya the whole day ay nakangiti lang siya. Dahil do’n, parang nagkaroon kami ng… naging komportable kami sa isa’t isa.”

Para raw “chameleon” si Arci when it comes to acting.

“Sa “Camp Sawi” iba siya. Dito sa soap namin iba rin siya. Doon sa movie niya with Gerald Anderson iba siya. Basta, ang galing, eh. Nagta-transcend talaga siya.”

ADVERTISING

Wala raw kiyeme si Arci pagdating sa hubaran.

“Wala siyang kaarte-arte. Ako nga ang maraming kiyeme. Takot ako doon sa flesh colored na underwear. Kapag nilalabas nila ‘yun, (sabi ko) may love scene na naman. Tinapon ko talaga sa ilog. Actually, hindi naman siya masusubukan sa love scene but sa lahat ng mga eksena. One time, walang tent, nandoon lang siya sa labas. Cowboy talaga siya.”

Hindi raw madali ang gumawa ng love scene.

“Mahirap talaga. Nandiyan ang mga nag-iilaw, nandiyan ang crew. May buhangin kami sa katawan, naka-make-up. Iba na ang dating ng love scene.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING