Jericho Rosales, maraming pangarap ang natupad dahil sa Pangako Sa ‘Yo

ADVERTISING

Jericho Rosales, maraming pangarap ang natupad dahil sa Pangako Sa ‘Yo

Jericho Rosales, maraming pangarap ang natupad dahil sa Pangako Sa ‘YoJERICHO ROSALES recently announced his engagement to Kim Jones. Ibinahagi ni Echo ang magandang balita sa pamamagitan ng social media. Sa mga litratong ipinost ay makikita si Kim na nakasuot ng isang malaking diamond ring. Echo then posted another photo of Kim who was now wearing the real ring. Echo proposed to Kim during their Church’s Sunday service.

The celebrity couple has been together for almost two years. Marami ang natuwa at nagpahatid ng kanilang pagbati sa newly-engaged couple.

Last year ay inamin ni Echo sa The Buzz that he is in a romantic relationship. Nagkakilala ang dalawa through their common friend Denise Go, wife of Dominic Ochoa. Maraming napagkakasunduang bagay ang dalawa kagaya ng kanilang passion for surfing. At ngayon ay kasalan na ang hinihintay para sa dalawa.

We’re happy for Echo dahil natagpuan na niya ang babaeng nakatadhana para sa kanya. Everything is falling into place in Echo’s life right now – in his family, love, and career.
Samantala ay nagbalik-tanaw si Echo sa kanyang hit teleserye na Pangako Sa ‘Yo, ang unang tinawag na “teleserye” sa primetime TV. The series lasted for almost two years and made Angelo (Echo) and Yna (Kristine Hermosa) household names. Naging bahagi ng buhay ng bawat Filipino viewer ang gabi-gabing pagsubaybay sa nakakakilig na love story nina Angelo at Yna.

ADVERTISING

“Above the romance na nakita nila sa TV, it’s [about] giving hope. Telling them na may lesson kayong mapupulot dito. Life doesn’t stop pagdating ng problems mo. We always think that you can share strength, hope, joy, and happiness,” sabi ni Echo.

Pangako Sa ‘Yo was translated into several languages sa mahigit sampung bansa gaya ng Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore, among others. Nagkaroon din ito ng sariling adaptation sa Cambodia.

“It opened many doors for me. I’ve worked with so many actors. Marami akong napuntahang bansa. Iyong pangarap ko, talagang natupad. Gusto ko talagang maging global,” pag-amin ni Echo.

Noon pa man ay pangarap na ni Echo ang makapasok sa Hollywood. He had his sweet taste of the international arena when two of his movies, Subject: I Love You and Alagwa, were screened at the Newport Beach Film Festival.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING