Jericho Rosales, jackpot kay Arci Muñoz

ADVERTISING

Jericho Rosales, jackpot kay Arci Muñoz

Jericho Rosales & Arci Muñoz
Jericho Rosales & Arci Muñoz

Nahihiya raw si Arci Muñoz sa mga nagsasabing naka-jackpot si Jericho Rosales, dahil siya ang kapareha nito sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na “What I Did For Love”.

Tsika nga ni Arci sa isang interview, “Hindi naman. But for me kasi, dapat maging versatile ka talaga para maging leading lady ka, na maging compatible ka sa lahat ng kapareha mo.”

“Like nu’ng nag-umpisa ako sa ABS-CBN, si Jake Cuenca ang una kong leading man, napakagaling niya. Then, si Gerald Anderson, na ang cute naman talaga.

“Kailangan lang talaga, pareho kayong sumakay sa isa’t isa, na hindi mo puwedeng iwanan ang leading man mo, o iwanan ka niya. Kasi hindi kayo magki-click. ‘Yun ang natutunan ko ngayon,” pagtatapos ni Arci.

ADVERTISING

 

X3M
X3M

X3M hataw sa dami ng shows ngayong Agosto

Magpapakitang-gilas sa hatawan sa dance floor ang grupong X3M sa P-Pop Boy Groups On Tour 4 na gaganapin sa Starmall Albang sa August 28, 4 p.m. sa Starmall Alabang na hatid ng Starmall, Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, UniSilver Time, at New Placenta.
Ang X3M ay kinabibilangan nina Vhelmore Ebarle, Ronald Jimenez, Juancho Carlo Ponce, Maron Alves, Ericsson Suratos, at Zoren Jickain.
Happy nga raw ang grupo dahil kasali sila ulit sa P-Pop Boy Groups On Tour 4 at may mga ibang shows na rin sa iba’t ibang malls at lugar.
Bukod sa August 28 shows ng mga ito sa Starmall Alabang, sunud-sunod ang schedules ng grupo ngayong August, like last August 13, nasa Robinson’s Pulilan, Bulacan sila at last August 20 ay sa Ever Commonwealth naman.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING