Jericho Rosales, ibang klase ang acting sa indie film

Jericho Rosales, ibang klase ang acting sa indie film

Jericho-RosalesMALAPIT NANG ipalabas ang indie film ni Jericho Rosales entitled Red with Mercedes Cabral, Nico Antonio, Mylene Dizon and Jim Rodriguez sa direksiyon ng kaibigan niyang si Jay Abello. Para sa actor, this is a very personal passion project. Kinunan sa hometown niya sa Bacolod.

Ayon kay Echo, kakaiba raw ito sa mga serious films na nagawa na niya in the past. “Seryoso, pero may puso na aantig sa bawa’t manonood. Ibang klaseng acting performance ang ipapakita rito ni Jericho,” say ni Direk Jay.

May posibility raw na manalo ng award ang magaling na actor.

Busy rin si Jericho sa bago niyang music video for his latest single music album entitled “Korona”. Ang buong team ni Echo ang nag-shoot nito. The title of the song is “Kasama Ka”. Kinailangan niya ng maraming photographs of real people na gagamitin sa nasabing music video. Kaya’t nagpa-contest pa si Echo sa kanyang social media account para maging realistic, artistic ang kabuuan ng nasabing music video.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield