Jericho Rosales, ibang-iba ang role sa pagbabalik-teleserye

Jericho Rosales, ibang-iba ang role sa pagbabalik-teleserye

Jericho-RosalesBALIK-TELESERYE si Jericho Rosales pagkatapos niyang magbida sa The Legal Wife kasama sina Angel Locsin at Maja Salvador. Sa teaser ng Bridges of Love, dini-describe nila si Echo na “like no other.” Ibig sabihin, siya lang ang puwedeng gumanap sa role na na-assign sa kanya sa bagong teleserye ng Star Creative.

Wala pa kaming idea kung ano talaga ang role niya sa Bridges pero sabi ng nakausap namin, ibang-iba raw ito sa mga nauna na niyang ginagawa. Wow, bongga kung ganu’n.

Ang inaabangan namin ay kung paano ang magiging tapatan ng acting nina Jericho at Paulo Avelino sa Bridges. Huling napanood si Paulo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon opposite Bea Alonzo. Pare-parehong winner ng best actor sa Urian sina Paulo at Jericho.  Si Paulo sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa at si Echo naman for Alagwa. Incidentally, best actress winner din ng Urian ang kasama nilang si Maja Salvador na nanalo para sa pelikulang Thelma.

Kung sino ang mas makapagbibigay ng brilliant performance sa tatlo kapag nagsimula na ang Bridges of Love, well, ‘yan ang ating dapat abangan.

La Boka
by Leo Bukas