Jericho Rosales, bawal dalawin si Heart Evangelista sa ospital – Ambet Nabus

ADVERTISING

Jericho Rosales, bawal dalawin si Heart Evangelista sa ospital – Ambet Nabus

MAY MGA NAGTATAKA naman kung bakit biglang bigla naman yatang nagsasalita ngayon si Heart Evangelista tungkol sa status ng friendship nila ni Jericho Rosales.

ADVERTISING

Dati-rati kasi ay panay ang iwas nito at never talaga siyang nagkuwento. But just recently, she was telling everyone who asked that indeed, “wala na ngang pag-asa pang sila’y maging close ni Echo.”

Dahil kaya hindi napag-uusapan ngayon ang aktres o dahil may ginagawa siyang bagong proyekto? Whichever is the case, hindi pa rin kami makumbinsing nakapag-move on na nga nang maayos itong si Heart dahil sa tagal na nilang hiwalay ni Echo, eh bakit tungkol doon pa rin ang kanyang mga kuwento?

At bakit kailangang ipangalandakan pa niyang hindi niya pinayagan ang aktor na madalaw siya sa ospital nang siya’y maoperahan lately (dahil sa appendicitis daw?) dahil aniya, “What’s the use?”

ADVERTISING

Kung walang gustong gawing isyu, bakit may ganito, ‘di ba kapatid na Alex?

A, basta, masaya kaming napapanood si Echo sa Dahil May Isang Ikaw nila ni Kristine Hermosa dahil sa totoo lang, mas nakakakilig sila kahit alam naming sila ang imposibleng magkabalikan pa. Ha! Ha! Ha!

In My Life, magiging box-office hit

ISA KAMI SA mga unang nakapanood ng In My Life nang magdaos ito ng special screening sa Batangas City noong Lunes ng gabi.

Grabe ang ganda ng movie. Wala kang itulak-kabigin sa husay ng lahat ng mga artistang nagsipagganap lalo na kina Ate Vi, John Lloyd Cruz at Luis Manzano.

Tama ang lahat ng mga nasusulat, pero mas higit kayong maliligayahan kapag pinanood ninyo ang kabuuan ng movie, which we predict will break existing box-office records and come awards season, ay tiyak na makakukuha ng maraming karangalan.

Congratulations sa Star Cinema at sa lahat ng bumubuo ng In My Life, lalo na kina Ate Vi, Lloydie at Luis.

Read Ambet Nabus’ Blind Item: Aktor-producer, nanlait ng indie film producer

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING