Jericho Rosales, barkada ang turing sa anak na si Santino

ADVERTISING

Jericho Rosales, barkada ang turing sa anak na si Santino

 

ADVERTISING

Nag-post ng larawan kamakailan ang actor na si Jericho Rosales sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang anak na si Santino, na binatilyo na ngayon.

Jericho Rosales, barkada ang turing sa anak na si Santino
Jericho Rosales with son Santino

Ito ang naging post ni Jericho: “We love Santino, and we support u all the way”. 

Sa ngayon, maayos daw ang relasyon nilang mag-asawa (Kim Jones) at sa relasyon niya sa ina ng anak niya.

ADVERTISING

“We’re a normal family, our setup is fine. Everything is fine, God is good.” Aniya. 

Kuwento pa niya tungkol sa kanila ni Santino,” Barkada, barkada kaming dalawa. If he needs quality time, we spend quality time; if he needs to talk, we talk. Pero ‘yung treatment namin, barkada kaming dalawa.”

Posible kayang sumunod sa yapak niya ang anak at maging artista rin?

“No, ayaw niya, dalawang sports ang ginagawa niya, dalawang soccer team. Mabait na bata talaga at sobrang focus na bata,” aniya. 

Nasa soccer team si Santino ng San Agustin at miyembro rin siya ng KAYA team, isang elite football club.

Samantala, mahigit dalawang taon nang kasal sina Jericho at Kim, pero hindi pa raw nila prayoridad ang magkaroon ng anak.

“Hindi pa nga namin alam, pinag-uusapan pa namin. We’re just so busy sa mga bagay-bagay, at gusto naming ma-enjoy ang isa’t isa at the moment.

“She supports me sa trabaho ko and I support her sa trabaho niya.

“It’s just about timing, kapag nagawa na namin ang mga mission namin sa buhay, it’s abou time na siguro. Sa ngayon, masaya at kontento naman kami na kami lang muna at mga alaga naming aso,” sabay tawa pa niya. 

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING