Jericho Rosales, all-out ang suporta sa KathNiel sa remake ng Pangako Sa ‘Yo

Jericho Rosales, all-out ang suporta sa KathNiel sa remake ng Pangako Sa ‘Yo

Jericho-RosalesALL-OUT SUPPORT si Jericho Rosales sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padila para pagbidahan ang remake ng Pangako Sa ‘Yo. Wala na raw iba pang love team ang maaaring mag-remake ng dating pinagbidahan nila ni Kristine Hermosa.

Excited na nga si Echo na malaman kung magsisimula na ito at paano nila bubuhayin ang kanilang characters na inidolo nang husto ng mga manonood.

Sabi naman ni Daniel, isang karangalan na sa tandem nila ni Kathryn ipinagkatiwala ang remake ng longest running teleserye sa ABS-CBN.

Ang worry lang ni Daniel ay kung sakaling matuloy sila sa project, may malaking expectation daw sa kanila ni Kathryn. Aware daw siya sa lakas ng serye at alam niya na ganoon din or higit pa roon ang inaasahan sa kanilang dalawa ni Kathryn. Gagawin na lang daw nila ang lahat ng kanilang makakaya para mabigyan ng justice ang pagkakapili sa tandem nila para sa remake ng nasabing serye.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo