Love Compatibility: Jericho at Karylle, compatible nga ba?

Love Compatibility: Jericho at Karylle, compatible nga ba?

Screen Name: Karylle
Real Name: Ana Karylle Padilla Tatlonghari
Birthday: March 22, 1981
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Strengths: Adventurous, Energetic, Courageous, Confident
Weaknesses: Self-centered, Short-tempered, Impulsive, Impatient

Screen Name: Jericho Rosales
Real Name: Jericho Vibar Rosales
Birthday: September 22, 1979
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Strengths: Perfectionist, Realistic/Practical, Dependable and sincere, Patient
Weaknesses: Too critical, Lacks demonstrativeness, Restless, Push himself too much

Ang sabi ni Karylle, “Single is sexy.” At siyempre, hindi maipagkakaila na talaga namang sexy ang 28-taong gulang na dalaga! Pero siyempre, kapag sexy ka, maganda, mabait and all, hindi ka makaliligtas sa mapanuring mata ng mga lalaking sabik na sabik sa pagmamahal!

Sinu-sino nga ba ang nali-link kay Karylle? Matapos ang matinding heartbreak na idinulot sa kanya ng dating boyfriend na si Dingdong Dantes, parang kabuteng nagsulputan ang mga lalaking nagpaparamdam (may intensiyon man o wala) ng interes sa dalaga. Mula sa mang-aawit na si Christian Bautista hanggang sa radio jock na si Sam Gogna (Sam Y G ng Magic 89.9), na mariing pinabulaanan naman ng singer-actress. Pero sa lahat ng nakasama niya, marahil itong si Jericho Rosales ang may mas mataas na tiyansa na magiging maganda ang kanyang future!

Unang-una, pareho silang naging alaga ni Tita Angeli (Pangilinan-Valenciano) sa Genesis. Pagkatapos ay nagpalitan pa silang dalawa ng cellphone numbers (siyempre, para makapag-text sila sa isa’t isa). At ngayong magkasama nga sila sa isang soap, Dahil sa May Isang Ikaw, ‘di malayong magkalapit ang kanilang loob.

Pero sino nga ba tayo para diktahan ang puso? Stars na lang ang magsasabi kung okey nga sila, ‘noh?! Ano pang hinihintay ninyo, mga kaparazzi? Itanong na natin sa mga bituin! Goooo!

Isinilang si Karylle noong Marso 22 samantalang si Jericho ay noong Setyembre 22. Aries at Virgo ang kanilang zodiac sign. At ayon sa ating compatibility chart ay magiging in at s’wak na s’wak ang kanilang relasyon. Iyon lamang ay kung magtitiyaga ang bawat isa sa kanila dahil tatadtarin ng problema ang kanilang pagsasama. Sa umpisa pa lang, si Virgo ay kritikal sa lahat ng ginagawa ni Aries. Siya ay madalas humingi ng pagkakataon na maipamalas ang kanyang kahusayan sa maraming bagay na hindi naman magugustuhan ng pabara-barang Ram.

Pagdating naman sa larangan ng seksuwalidad, magkaibang-magkaiba ang dalawa. Kailangan nilang maging pursigido dahil hindi magiging direkta si Virgo sa kanyang pangangailangang sekswal. Samantalang si Aries ay napaka-impulsive.

Pero kahit na ganito ang kanilang pagsasama, mas magiging madali naman para sa babae at lalaki na ayusin ang kanilang mga problema kung pag-uusapan nila nang mabuti. Sa pamamagitan ng magandang pakikitungo sa bawat isa, malalagpasan nila ang anumang hamon ng buhay pag-ibig nilang dalawa.

Kaya kung ako kay Karylle, iibahin ko na ang motto ko sa buhay. Imbes na ‘Single is sexy,’ mas mabuting ‘In a relationship is sexy.’ O, ‘di ba? Anong sey ninyo? Hindi naman lugi ang relasyong Karylle at Echo. ‘Ika nga ni Echo, “Karylle is more than just a pretty face, matalino din siya at may mabuting puso!” Nice one!

by Jerome Caraballa