Jeric Raval, balik-pelikula; walang paki kahit support lang kay AJ Muhlach sa ‘Double Barrel’

ADVERTISING

Jeric Raval, balik-pelikula; walang paki kahit support lang kay AJ Muhlach sa 'Double Barrel'

Jeric Raval, balik-pelikula; walang paki kahit support lang kay AJ Muhlach sa 'Double Barrel'
Jeric Raval

MULI na namang mapapanood si Jeric Raval sa action film ng  Viva na Double Barrel na palabas on August 2. Halos isang dekada rin siyang namahinga sa pelikula kaya sobrang happy ang action star na after niyang mapasama sa FPJ’s Ang Probinsyano ni  Coco Martin ay nabigyan siya ulit ng chance to do an action film.

Aniya, “Siguro, it’s about time na mabuhay uli ang action films, kasi naniniwala naman ako na ang mga viewers ng action film, eh, nasa paligid lang yan at naghihintay lang sa pagbabalik ng aksyon.

“Hopefully sa pamamagitan ng Double Barrel ay mabuhay natin ang pelikulang aksyon.”

Jeric Raval, balik-pelikula; walang paki kahit support lang kay AJ Muhlach sa 'Double Barrel'
AJ Muhlach

Maganda ang billing  ni Jeric sa Double Barrel. Bilang isa sa bankable action star noon, kapantay niya ang pangalan nina Phoebe Walker at AJ Muhlach na bida sa pelikula.

ADVERTISING

“Masaya kasi binibigyan ka ng importansya and I don’t  mind kahit support  lang  ako sa kanila dito sa movie. Dinaanan ko rin yon before, yung kahit baguhan lang ako ay may mga sumusuporta sa akin. Kaya ngayon, okey lang na sumuporta rin ako sa kanila,” katwiran pa niya.

Kasama rin sa pelikulang Double Barrel si Ali Khatibi na asawa ni Cristine Reyes. The film is under the direction of Toto Natividad na kilalang-kilala pagdating sa paggawa ng maaangas na action films.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING