Jeric Raval, aktibo muli sa showbiz

ADVERTISING

Jeric Raval, aktibo muli sa showbiz

Jeric Raval, aktibo muli sa showbiz
Jeric Raval with Daughter

MALAKI ANG PASASALAMAT ng mga dating artista na hindi na aktibo sa showbiz sa pagkakasali nila sa teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.

 
Nabibigyan sila muli ng pagkakataon na magbalik showbiz at isa na nga rito ay ang dating action star na si Jeric Raval.
 
Si Jeric ay baby face pa rin. Hindi nagbabago ang itsura. Kung ano siya noong 90’s ay ganun pa rin siya sa tindig at dating.
 
Dahil sa aksyon serye, masaya siya dahil nabibigyan siya muli ng break sa pelikulang ”Double Barrel” from Viva Films na launching movie ni AJ Muhlach bilang isang action star.
 
Ang maganda pa ay parang reunion movie nila ito ng magaling na action film director na si Toto Natividad.
 
Sabi nga ni Direk Toto: ”Ganun pa rin siya(Jeric); maliksi. Parang hindi tumanda at walang nagbago,” pagmamalaki ni Direk sa kanyang artista.
 
Sa telebisyon, ang serye ni Coco lang yata ang alam ko na aksyon ang tema na napapanood ko at tinatangkilik ng publiko.
 
Sa industrya ng pelikula, karamihan sa mga locally produced films natin, kung hindi romcom or drama wala na sa eksena ang pelikulang aksyon.
 
Sabi nga ni Jeric: “I think it’s about time ngayon na mabuhay muli ang action film, kasi naniniwala naman ako na ang mga viewers ng action film nasa paligid lang yan at naghihintay lang sa pagbabalik ng aksyon.”
 
Sa Double Barrel, he plays Insp. Bagani na naniniwala sa EJK bilang sagot sa mga drug pusher at user.
 
Based ang kuwento sa totoong buhay ang pelikula na showing na sa August 2 nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING