Jeric Gonzales, ‘di pa rin nabibigyan ng lead role ng Siyete

ADVERTISING

Jeric Gonzales, ‘di pa rin nabibigyan ng lead role ng Siyete

Jeric-GonzalesHINDI NAMAN ikinaila ni Jeric Gonzales na isa siya sa nag-audition para sa title na Destiny Rose at napunta nga kay Ken Chan.

ADVERTISING

Ayon kay Jeric, kahit hindi napunta sa kanya ang role ay naging masaya na rin raw siya dahil bagay raw kay Ken ang role na isang transwoman.

Si Jeric ay winner ng reality artista search na Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2012 kung saan co-winner niya si Thea Tolentino na bida sa Half-Sisters.

Sa tanong kung hindi pa siya naiinip na hanggang ngayon ay wala pa siyang masasabing lead role na serye sa GMA, “Hindi naman po ako naiinip. Ang importante ay hindi naman ako nawawalan ng trabaho. Bago itong Destiny Rose, nasa Pari Koy ako. Kung may plano ang GMA para sa akin, willing akong maghintay. Lahat dumarating sa tamang panahon,” pagtatapos ni Jeric.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING