Jerald Napoles pumirma ng five-year, 10-picture exclusive contract sa Viva

ADVERTISING
Leo Bukas

VIVA ARTIST na ang theater actor at boyfriend ni Kim Molina na si na si Jerald Napoles. Pumirma siya kamakailan lang ng 5-year exclusive contract sa Viva at gagawa ng 10 pelikula.

Eight years si Gerald sa APT Entertainment bago siya nag-decide na lumipat ng Viva. Ayon sa aktor, naging maayos daw ang paghihiwalay nila ng dating talent management.

Jerald Napoles pumirma ng five-year, 10-picture exclusive contract sa Viva
Jerald Napoles with Boss Vic del Rosario

Ano ba ang pinakanagustuhan niya sa offer ng Viva at pumayag siyang magpa-manage exclusively?

“Bukod kay Kim, (laughs) they offered me films.  Ako po kasi nagsimula akong theater actor so pagpasok ko po ng showbiz, ang gusto ko lang po ay umarte lalo na po sa pelikula kasi po mas malapit po sensibilidad ng entabldo ang pelikula. Isang malaking factor po ng paglipat ko po yung mga pelikulang gagawin,” rason ng aktor sa interbyu ng namin.

Hindi rin daw siya inimpluwensyahan ni Kim na sundan siya sa Viva.

ADVERTISING

“Well, nag-usap po rin kami ni Kim since dito po talaga siya, Viva baby po kasi siya eversince, but pag sa trabaho po kasi magkahiwalay po talaga kaming desisyon.

Jerald Napoles pumirma ng five-year, 10-picture exclusive contract sa Viva

“Kung wala man si Kim sa Viva and if they’re gonna offer me something like what they offered me I’ll still accept po. Kasi she has her own success already, parang I don’t wanna be…

“Kahit dyowa po ako ni Kim I don’t wanna live in the shadow of that success also. Medyo nauna naman po ako kay Kim sa industriya so meron na rin po akong pinapangalagaang brand,” paliwanag ni Jerald.

ADVERTISING