Jennylyn Mercado, type ni Mayor Erap Estrada?

Jennylyn Mercado, type ni Mayor Erap Estrada?

Jennylyn-MercadoHOT ITEM ngayon si Jennylyn Mercado na bida sa pelikulang English Only Please at sa pinakabagong TV series ng GMA 7 titled Second Chances which will premiere on Jan. 12. Ang dahilan, may ibang hindi pa rin matanggap hanggang ngayon na siya ang nanalong best actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF. Ang isa pang dahilan, nabighani sa ganda niya si Manila Mayor Erap Estrada. Wow, ibang klase talaga si Jen, huh!

Malamang na tungkol sa acting award at kay Mayor Erap ang itatanong sa aktres ng press kapag nag-presscon na ang Second Chances. Siguradong sasagutin ito ni Jennylyn na in fairness, hindi rin naman marunong mag-deny.

Sa mga fans na nagwi-wish nga pala na muling makitang magkasama sina Jennylyn at Derek Ramsay na leading man niya sa English Only Please in one TV project, sorry na lang dahil imposible itong mangyari. Exclusive contract star ng GMA si Jen at si Derek naman ay sa TV5.

Sa movie, baka may chance pa ulit na pagsamahin ang dalawa kasi nag-hit ang movie nila at umabot na ito sa P100M mark, pero sa TV walang dapat asahan, huh!

Bongga ang last quarter ng 2014 kay Jennylyn dahil lalong sumipa ang kanyang career. Siya ang bagong Tanduay calendar girl, may hit na MMFF movie, may bagong album, best actress award at new TV series. Sobrang blessed talaga.

Wish ng aktres na magtuluy-tuloy lang ang lahat ng magagandang nangyayari sa showbiz career niya. ‘Di raw muna niya priority ang lovelife ngayon.

La Boka
by Leo Bukas