Jennylyn Mercado, todo-deny sa pagkaka-link kay Ronald Singson

Jennylyn Mercado, todo-deny sa pagkaka-link kay Ronald Singson

Jennylyn-Mercado-Ronald-SingsongNAKU! SUPER deny daw si Jennylyn Mercado sa intrigang sila na ng dating Cong. Ronald Singson.

Hindi naman taga-showbiz ang nagkuwento sa amin at hindi naman sila intrigera para gumawa ng kuwentong si Jennylyn ang nakita nilang ka-date ni Ronald Singson sa Boracay.

Ipinakilala pa raw sa kanila na si Jennylyn ‘yun.

Pero nagulat nang husto ang Kapuso actress sa isyung ‘yun dahil sa dami raw nang ginagawa niya, paano raw siya makapunta ng Boracay.

Hindi nga raw niya kilala si Ronald. Nagtanong pa raw siya sa mga kasamahan niya sa taping sa Second Chances kung sino itong si Ronald Singson.

Siguro kinuwento sa kanya na dating boyfriend ‘yun ni Lovi Poe, at doon pa lang niya nalaman kung sino nga ito.

Nu’ng huling na-interview ng Startalk si Jennylyn, sinabi niyang may nakaka-date siya pero ayaw niyang sabihin kung sino.

Gusto raw niya, meron naman daw siyang privacy lalo na pagdating sa lovelife niya. Pero wala pa naman daw siyang boyfriend, nakaka-date lang daw.

Hinahamon ni Jennylyn na maglabas ng litrato kung totoo ngang naka-date nito si Ronald.

Naku! Baka mamaya maglabas uli ang Pinoy Parazzi ng litrato gaya nu’ng sa kanila noon ni Dennis Trillo na nahuli silang naglalakad sa Hong Kong. Wala silang nagawa kundi umamin.

Sige tingnan natin kung may lalabas nga na litrato! ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis