Jennylyn Mercado, matapos kay Bong Revilla, kay Erap Estrada naman

Jennylyn Mercado, matapos kay Bong Revilla, kay Erap Estrada naman

Jennylyn-MercadoGOOD KARMA ang dumarating sa career ni Jennylyn Mercado, dahil siya ang tipo ng artista na ngayong magkaroon ng anak ay tutok lang siya sa intensiyon na pagbutihin ang kanyang trabaho para na rin sa pag-iipon ng laan sa future ni Alex Jazz. Ang daddy ng kanyang anak ay si Patrick Garcia, at nagkakaintrigahan man dati sa sustento, ay kasado talaga ang isip ng magandang aktres na kahit talagang masipag siya magtrabaho ay kailangan niyang kumayod para sa kanyang anak.

“Kahit wala pa naman ang anak ko ay love ko naman talaga ang trabaho ko. Pero siyempre, ngayong nand’yan na nga ang anak ko, ay inspirasyon ko na kasi siya, eh. Iba kapag mommy ka na. ‘Yung parang hindi ka na napapagod para sa kanya, kaya lalo akong ganadong magtrabaho at lalo kong minahal ang trabaho ko,” wika ni Jennylyn.

Nanalong Best Actress si Jennylyn sa katatapos na Metro Manila Film Festival dahil sa pelikulang English Only, Please at bonggang may bago siyang teleserye ngayon sa GMA-7, ang Second Chances. Kontrobersiyal siya ngayon, dahil biglang inili-link siya sa Mayor ng Manila na si dating Pangulong Joseph Estrada. Balitang etchos lang naman ‘yan, dahil dati na rin ay matagal na lihim na iniugnay ang pangalan ni Jen kay Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.

ChorBA!
by Melchor Bautista