Jennylyn Mercado, takot mag-Araneta

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, takot mag-Araneta

Jennylyn-MercadoMASAYA SI Jennylyn Mercado dahil tuloy na ang major concert niya bilang celebration ng kanyang 10th year anniversary sa showbiz.

“Nagkausap na kami,” aniya. “Sa The Eye siya gaganapin sa Makati, ako ‘yung unang magko-concert doon. Parang 360 siya sa LED.”

Ayon kay Jennylyn, unang plano raw talaga ay sa Araneta Coliseum gustong gawin ng producer. Pero tinanggihan niya dahil sa pangamba na hindi mapuno ang venue.

“Sabi ko, ‘hindi ko kayang punuin ‘yun. Bigyan ninyo na lang ako ng parang simple lang na thank you show, pasasalamat sa mga sumuporta, pasasalamat lang sa mga nagmamahal, tapos pasasalamat sa mga sponsor.’

ADVERTISING

“Bibigyan lang namin sila ng show na parang… flashback, look back sa mga songs ko, parang ganoon,” say ni Jen.

Ayaw na ayaw raw niya na mag-take ng risk sa Big Dome at okey na sa kanya ang 1,000 capacity. Gusto rin mangyari ni Jen, sa kanyang 10th year anniversary concert ay maging guest niya ang lahat ng ka-batch niya noon sa Starstruck 1.

“Gusto ko kumpleto ‘yung Starstruck kasi sila talaga ‘yung nagsimula sa buhay ko,” say pa niya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING