Jennylyn Mercado, suwerte sa pagiging single

Jennylyn Mercado, suwerte sa pagiging single

Jennelyn-MercadoBONGGA PALA ang Jennylyn Mercado, ha?! Co-producer pala siya sa English Only Please na talagang tumabo nang husto sa takilya. Mahigit 100 million pesos na raw ang kinita nito at extended pa raw sila sa maraming sinehan.

Kaya lalong gumaganda ang Jennylyn dahil ang suwerte-suwerte niya sa lahat na pinasok niya. Bukod sa ang dami niyang trabaho, ang gaganda ng mga projects at successful lahat, ha!

Marami ang natuwa sa English Only Please at nang humakot ng maraming awards sa Gabi ng Parangal, bumongga ito sa takilya. Kaya nu’ng presscon ng bagong drama series niya sa GMA 7 na Second Chances, nakalkal siya roon ng mga reporters kung may bonus ba siya.

Iyon pala, isa siya sa mga producers kasama si Derek Ramsay. Kaya bongga ang balik sa kanila! Hindi naman ganu’n kalakihan ang puhunan nila kaya ang laki ng kinita nila sa pelikulang ‘yun, I’m sure.

Kaya sabi nga sa kanya, mas masuwerte pala ‘pag single siya at walang karelasyon. “Huwag naman!” bulalas ni Jennylyn. Gusto naman daw niyang may boyfriend siya, pero hindi naman daw siya nagmamadali. Alam daw niya kung darating, darating daw talaga.

Pero may tsismis kasing nagkabalikan sila ni Dennis Trillo pero super deny siya rito.

May nag-text kasi sa aming nakikita raw si Jennylyn sa condo unit ni Dennis, pero itinatanggi ito ng Kapuso actress. Baka noon pa raw ‘yun. Pero ngayon, wala na raw sabi niya.

Tingnan na lang natin, kasi type na type siya ni Mayor Erap. Baka maloka siya kung ligaw-ligawan siya ni Mayor Erap, ha!

Aligaga sa ngayon si Jennylyn sa promo ng Second Chances na magsisimula na sa GMA Telebabad sa January 12.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis