Jennylyn Mercado, sumabak sa Aquathlon kaysa dumalo sa kasal ni Patrick Garcia

Jennylyn Mercado, sumabak sa Aquathlon kaysa dumalo sa kasal ni Patrick Garcia

Jennylyn-MercadoDEDMA LANG si Jennylyn Mercado sa naglabasan na apektado pa rin siya sa pag-aasawa ni Patrick Garcia kaya hindi sumipot sa wedding day ng ex-boyfriend at ama ng kanyang anak.

Ang totoo, nakatakda kasi siyang sumali sa Aquathlon competition nang araw rin ng kasal ni Patrick kay Nika. Nahilig na kasi si Jen sa mga sports at matagal nang naka-scdedule ang nasabing competition kaya hindi na puwedeng umatras. Nasa wedding naman ni Patrick ang anak nila ni Jen, dahil kasama ito sa entourage ng kasal.

Samantalang ikinatuwa naman ni Jen na napili siya na maging isa sa magiging hurado ng pagbabalik ng original reality artista search ng GMA 7 na Starstruck. Si Jen ang kauna-unahan female survivor ng Starstruck at si Mark Herras naman ang male survivor.

At sa lahat ng mga nagwagi sa nasabing reality artista search, si Jen ang masasabing pinaka-successful na female winner kumpara sa ibang winner na sina Ryza Cenon, Jewel Mische, Jackie Rice, Sarah Labhati, at Kris Bernal na hindi narating ang tagumpay na tinatamasa ngayon ni Jen.

“I feel blessed na kinuha nila akong maging judge ng bagong Starstruck. Mararamdaman ko naman this time kung paano i-judge ang mga baguhan na gustong sumunod sa yapak naming mga dumaan sa Starstruck,” say ni Jennylyn.

Maganda kay Jen, kahit na nabuntis at naging isang unwed mother sa edad na 21, hindi siya nasiraan ng loob, naging matatag sa suporta na rin ng kanyang mga fans.

After 10 years, matapos siyang tanghaling female survivor ng Starstruck, isa nang award-winning actress si Jennylyn sa pagkakaganap niya sa English Only, Please at naging host pa ng ilang TV shows tulad ng Sunday All Stars, Anak Ko ‘Yan, at Sarap with Family, at naging endorser rin ng ilang mga products.

Sa ngayon ay loveless pa rin si Jen, pero goond friend pa rin siya sa kanyang mga naging ex-boyfriend na sina Mark Herras, Dennis Trillo, at Patrick Garcia, maliban kay Luis Manzano na hindi pa raw niya maituturing na friend matapos nilang maghiwalay.

Aminado naman si Jen na marami siya manliligaw, pero hindi muna niya ini-entertain dahil nakapokus siya sa career at pagpapalaki ng nag-iisang anak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo