Jennylyn Mercado, snubbed Startalk twice

ANO ANG KAIBAHAN nina Manny Pacquiao at Dr. Hayden Kho?

Kung si Joey de Leon ang tatanungin:  “Si Manny, pound-for-pound king.  Si Hayden, ‘pound-nang-pound’ king!”

Well, that’s also a pound worth of comedy!

SPEAKING OF THE soon-to-be doctor no more (?), nagkainteres pala itong kunin ang legal services ni Atty. Adel Tamano through a padrino. But the now-legal counsel of Dra. Vicki Belo issued a flat “no” to the offer, at sa halip nga, ang doktora ang kanyang kinakatawan sa laban din nito.

Pero limitado nga lang ba sa propesyonal na aspeto ang serbisyo ng guwapong abogado? At one point, does he not advise his client to sever her romantic ties with Hayden?

“Ours is strictly professional. The reason why I agreed to offer my legal services to Dra. Belo is because I believe in her integrity. Also, with that comes the integrity of her company that she has to protect, so in that respect I tell her to keep away from Hayden,” paliwanag ni Tamano.

In the course of our conversation, I discovered a lot of interesting facts about the 38-year old bedimpled lawyer.  Nagtapos siya ng pre-law at law sa Ateneo de Manila University. To this day, he has a burning passion for singing. Sa katunayan, nag-apply raw siya noon kay Boy Abunda, but for some reason, he was flatly rejected.

Pangarap ng ngayo’y Presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang mapabilang sa Season 3 ng Celebrity Duets. Teka, hindi ba’t ito ang point of entry ni Hayden sa showbiz?

Lastly, there’s no more stopping him from pursuing his senatorial dream. Nabanggit ko sa kanya that I’m willing to give him a shot-in-the-arm. Go, Papa Adel… Papa Adel, daw, o!

WITH ANOTHER (EXPECTED?) no-show, nakaka-strike 2 na si Jennylyn Mercado sa Startalk, and the Saturday program won’t sit down waiting for the next.

Dapat sana’y makakasama ni Jen ang iba pa niyang co-cast members sa bagong programa ng GMA 7, ito ang kanyang pangalawang beses na ‘di pagsipot sa Startalk. Nauna ‘yung supposed promo guesting to announce her May 14 birthday concert, to think that the first and second bookings had been confirmed way ahead of time.

Ano na naman kaya ang alibi ng alagang ito ni Becky Aguila? Meron na naman ba silang misunderstanding of sorts kaya napepeste ang work schedule ng aktres?

Aba, mabuti pa pala ‘yung multong sumulpot sa set ng pelikula nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, hindi ito “invited” pero bumubulaga na lang, kesa sa iniimbitahang si Jen na last minute ay hindi sumisipot!

Will somebody please remind this “defocused” artist na marami siyang utang na loob na dapat tanawin sa Startalk!

PEPERRONI by Ron Carrasco III