Jennylyn Mercado, press release ang pagpunta sa mga kaanak sa Tacloban?!

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, press release ang pagpunta sa mga kaanak sa Tacloban?!

Jennylyn-Mercado Jennylyn-MercadoNAIKUWENTO PALA sa akin na masaya si Jennylyn Mercado dahil nakumpirma na raw nilang buo ang mga kamag-anak nila sa Tacloban na apektado nang husto ng bagyong Yolanda.

Naikuwento ni Mommy Lydia na na-contact na raw nila ang mga kamag-anak nila na walang may nasawi sa kanila, kahit nasira na ang mga bahay nila. Pero okay na ‘yun siyempre, at least buhay silang lahat.

Hindi pa nga natuloy si Jennylyn ng pagpunta ng Tacloban kasi nahirapan pala itong magpa-schedule nang pagsama sa C-130 dahil marami raw siyang madadala sanang relief goods.

Kaya kailngang ipadala raw niya ito sa C-130. Kahit medyo matagalan, itutuloy pa rin daw ni Jennylyn ang pagpunta ng Tacloban. Kasi napagbibintangan na nga itong press release lang daw ang plano nitong pagpunta ng Tacloban. Kaya dapat na ituloy n’ya ‘yan ‘no!

ADVERTISING

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING