Jennylyn Mercado, plastik sa fans?

Jennylyn Mercado, plastik sa fans?

Jennylyn-MercadoNAIMBIYERNA ANG isang female fan kay Jennylyn Mercado. Oo nga’t nagpa-picture ang Kapuso starlet sa female fan, pero naiparamdam nito na hindi niya feel ang makasama ang hitad sa picture.

Lumabas sa isang popular blog ang aria ng female fan na hindi napigilan ang sarili na hindi magpakuha ng picture kasama si Jennylyn na noon ay abalang naggo-grocery. Napagbigyan naman ang kanyang munting hiling, nagpakuha ng photo ang female fan kasama ang Kapuso starlet.

Nang matapos ang picture-taking, paalis na ang fan ni Jen nang makarinig ito ng hindi magandang salita mula sa aktres-aktresan. Sinabi raw nito na “Hanggang dito ba naman,” say raw ni Jennylyn sabay tawa kasama ang isang friend.

Ayun, todo react ang mga tao sa blog kung saan ito lumabas.

“dapat kasi sa mga ganyan, huwag magpa picture. nagbo-bloat lang ang ego eh mga starletiks lang naman. ugh!”

“Iniisip nya siguro wala magpapa picture sa kanya sa s&r at medyo sosy ang grocery. nakalimutan nya ata na ang ipambabayad nya sa binili nya dun e galing sa mga sumusuporta sa kanya!”

“Naka jockpot Lang SA movie with Derek Ramsay, laki na agad ulo Walaaaaaa, Balik kA sa dati Ateng, Buti nga me nag attempt magpa pic sa Iyo kahit mukha kang Anorexic sa itsura mo. Anu BA yan!”

‘Yan ang ilang anti-Jen rants na aming nabasa.

But there are those who sided with the actress.

“Yan ang napapala ng mahilig magpa-picture with celebrities. Leave them alone. They deserve some privacy too,” say ng isan Jen supporter.

“O ayan ateng masaya ka na nkaganti ka n kay Jennylyn sa sinabi niya nakuha mo n atensyon ng madla. Ang ganda pa nman sana ng picture nyo kaso ginamit mo lang para siraan sya. Sana dinelete mo na lang kung talagang naturn off ka sa kanya.Masaya masaya ka siguro by now,” say naman ng isang kampi kay Jen.

Eh, kasi naman, ang hilig ng fans na magpa-picture. Gusto lang nilang may maibida sa kanilang mga kaibigan o may maipagyabang, ayan tuloy ang napala mo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas