Jennylyn Mercado physically abused by Dennis Trillo?

ADVERTISING

Jennylyn Mercado physically abused by Dennis Trillo?

Jennylyn Mercado physically abused by Dennis Trillo?KINILABUTAN KAMI NANG personal naming mapuntahan ang lugar na pinagtapunan kay Pilar Pilapil sa madawag na lugar ng Antipolo. Malalaki ang damo at maputik ang lugar.

“Natakot lahat kami nang humihingi siya ng saklolo, ang sabi niya sa amin, ‘parang awa n’yo na tulungan ninyo ako’. Takot kaming lahat, madilim kasi sa lugar na ito kaya nu’ng nagmamakaawa na siya ay naglapitan kami sa kanya, ang sabi niya sa amin siya raw si Pilar Pilapil, at pinagmasdan ko, tama siya nga ‘yung artista kaya nagkagulo na kami lahat dito. Tinulungan namin siya. Una namin siyang dinala sa Antipolo District Hospital tapos dinala na siya sa Manila,” sunud-sunod na pagkukuwento sa amin ni Elmer, isa sa mga kabataang tumulong sa aktres.

Mula pa rin sa pagkukuwento ng mga taong naging saksi sa paghingi ng saklolo ni Pilar, sinabi ng mga ito nang gabing saksakin si Pilar ay may taping sa lugar nilang iyon ang grupo ng ABS-CBN. “Kaya hindi namin siya agad napansin, marami ang nanonood sa shooting diyan sa ibaba.”

Sa kabilang banda nagsasalita at maayos na ang kalagayan ngayon ni Pilar, kung saan ay sinabi nitong carjack talaga ang nangyari. Una raw siyang sinaksak at hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa isa niyang kaibigan. Wala pang diretsong pahayag na nagmula sa aktres, pero base sa kuwento ng ilan niyang kaibigan na aming nakausap ay sinabi umano ng aktres na hindi ito titigil hangga’t hindi napaparusahan ang dapat managot.

ADVERTISING

Si Pilar Pilapil ay isa sa mga bida sa stage play na Vagina Monologue na aming dinaluhan kamakailan bago pa mangyari ang pananaksak sa kanya.

ANG ISA PALA sa mga dahilan kung bakit naisipan ni Jennylyn Mercado na makipaghiwalay na kay Dennis Trillo ay dahil sinasaktan siya nito physically. Base sa nakarating sa aming balita, sa maraming pagkakataon ay sinaktan na raw ng aktor ang dalaga at ito ang dahilan kung bakit hindi na nagdalawang-isip pa ang aktres na makipaghiwalay na.

Kahit sinasaktan si Jennylyn, dahil sa mahal ng dalaga ang aktor ay tiniis nitong lahat ang pasakit.

Pero kung paniniwalaan ang balita, umaasa pa raw ang dalaga na posibleng magkabalikan sila kaya hindi ito nagsasalita ng mga bagay na laban sa aktor. Pero ngayong may bago nang pag-ibig ang binata, hindi na raw magdadalawang-isip pa ang aktres na ibunyag nito ang ginagawang pananakit sa kanya ni Dennis.

INAMIN NI VENUS Raj na pinaiwas siya na makipag usap kay DJ Mo Twister kamakailan. “Kailangan kong sumunod sa kung anuman ‘yung utos sa akin. Pero hindi ibig sabihin noon ay ayoko na. I mean, sila kasi ang nakakaalam sa aking gagawin at dapat sabihin lalo na sa aking work, kaya sorry na lang kay DJ Mo kung hindi man kami nakapag-uusap.”

Humingi nang paumanhin si Venus sa mga taga-Paparazzi at maging kay DJ Mo. Samantala deadma lang si Venus sa isyung nagmukha siyang santo sa nakaraang Binibining Pilipinas dahil sa kulut-kulutan niyang buhok. “Ok lang sa akin kahit ano pa ang sabihin nila. Pero siyempre, kahit paano nakaka-hurt din dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong intriga. Pero naiintindihan ko sila.” Pagwawakas ni Venus.

MARAMI ANG NALUNGKOT sa biglang pagkamatay ng baguhang aktor na si AJ Perez matapos na ito ay maaksidente habang paluwas ng Manila. Si AJ po ay galing sa isang show ng ABS-CBN sa Dagupan City.

Nagluksa ang buong showbiz world sa maagang pagkawala ni AJ. At sa mga taong nagmamahal sa aktor, nakaburol po ang kanyang mga labi sa La Salle Greenhills.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING