Jennylyn Mercado, palaos na? by Tita Swarding

OLACHIKKA……..! MARAMI ANG nagulat sa tsikang hirap makabuo ng baby ang mag-asawang  Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo  lalo na ang mga tagahanga ng actress. Pero kahit papano ay hindi nawawalan ng pag-asa ang mag-asawa dahil gagawin nila ang lahat upang makabuo ng baby. May mga espekulasyon na naglabasan na kaya raw hirap makabuo ng baby ang mag-asawa ay dahil sa maagang pag aartista ng aktres.Exposed daw siya masyadong sa init ng ilaw ng camera at ito raw ang ilan sa mga dahilan at siyempre, ang pagod dahil anong oras na minsan matatapos ang taping or shooting. Pero nakapag- pa-check up na pala si Juday sa doctor at nakahanda nga silang gawin lahat.

Tsika ng aking Parazzi Girl,try kaya ng mag-asawa na sumayaw sa Obando, Bulacan. Walang imposible. Oo nga naman. I’m sure, pagkakaguluhan sila ng mga tao doon. Ha! Ha! Ha! Dagdag pa ng isa kong Parazzi Girl,baka hindi abot ni Ryan?Ha! Ha! Ha! Etching lang! Pero sa panahon ngayon ay marami na ang nagagawa ng siyensiya.

MARAMI ANG NAGTATANONG kung ano ang nangyari ngayon sa career ng nabuntisan ng actor na si Patrick Garcia na si Jennylyn Mercado dahil mula nang matapos ang ang panghapong drama nito sa GMA ay hindi na nasundan pa. Balita ko, lagpak sa rating ang programang ‘yun. Mula nang lumantad at bumalik ang ama ng anak ni Jennylyn  na si Patrick at may bago itong project sa Siyete ay hindi na lumutang ang actress. Naku, ano kaya ang reaction nila sa isa’t isa kapag nagkita sila sa loob ng network?  Ang nakakaloka ay umiiwas nga raw itong si Jennylyn na makita si Patrick. Naku, ‘ day, maliit lang ang industriya. Anytime ay pwede kayong magkita.

Ang tsika ng aking Parazzi Girl,wala pa raw project na nakahain ngayon sa actress kaya siguro hindi natin siya napapanood ngayon. Kaloka nga naman. May isang nag-email  sa akin at nagtanong kung galit pa si Jen kay Patrick. Ang sagot ko d’yan, ma. Malay ko. Ha! Ha! Ha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleStars Candid: Wacky Ginger
Next articlePamela Ortiz, buhay pa! by Lolit Solis

No posts to display