Jennylyn Mercado, now parades her son in public

ADVERTISING

PUNUNG-PUNO ANG HALL 2 ng SMX sa SM Mall of Asia nu’ng nakaraang Linggo para manood sa fashion show ng Bench, Human at Kaschieka na pag-aari ni Mr. Ben Chan.

Karamihan pala na dumating du’n ay para panoorin si Katrina Halili na isa sa mga endorser ng Bench Body. Nu’ng una, umokey na si Katrina na sasali siya sa show, pero hindi pala pumayag ang abugado niyang si Atty. Raymund Palad.

ADVERTISING

Nagpadala ito ng sulat sa Bench na nagpapaliwanag kung bakit hindi niya pinayagan ang kanyang kliyente na sumali sa show na ‘yun, at tinanggap naman ng mga taga-Bench.

Siya pa naman ang finale at marami ang nag-abang sa kanya para ipakita raw nila ang suporta sa seksing aktres.

Naintindihan naman daw ni Mr. Chan ang kalagayan ngayon ni Katrina at sabi nga niya, as of now daw, endorser pa rin naman daw nila ito at wala namang mababago.

ADVERTISING

Nabanggit ni Katrina sa Senado na malaking epekto sa kanya ang eskandalong ito. Mula Pebrero, wala na siyang trabaho at marami na raw siyang endorsement na nawala.

Nilinaw naman ni Mr. Chan ng Bench na hindi naman nila tinanggal si Katrina. Pero hindi nga lang makapagbigay ng komento ang naturang negosyante dahil kaibigan din daw niya si Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Basta hanggang ngayon, nandiyan naman daw si Katrina bilang isa sa mga endorser ng Bench Body nila.

Habang nanonood kami ng show na ‘yun, may kumakalat naman na text na nagpakamatay na raw si Katrina.

Nagpapalitan kami ng text ng road manager ni Katrina na si Omar Sortijas, at sinasabi nga niyang pitong araw na iyang may nagti-text brigade na nagpakamatay na ang alaga niya. Meron pang nagsasabing confirmed daw na nagpakamatay, na kaagad namang itinatanggi ng mga taong malapit kay Katrina.

Naloloka na ang kontrobersyal na aktres dahil sa panahon ngayon, hindi na raw niya naiisip ang magpatiwakal dahil sa rami ng mga taong sumusuporta sa kanya nagpapatibay sa kanya.

Nu’ng nakaraang Sabado ay mataas daw ang lagnat nito, pero nakapagpahinga naman daw siya nang mabuti kaya medyo okey na raw ang pakiramdam nito kinabukasan.

Pinaghahandaan na raw niya ang sarili dahil marami pa siyang haharapin. Ang pagkakaalam niya, ipatatawag pa siya uli sa Senado at magpapa-drug test pa siya sa PDEA.

Pagkatapos pala niyang magsampa ng kasong libelo sa ina ni Hayden na si Mrs. Irene Kho, ang susunod naman daw na magdedemanda ay ang road manager nitong si Omar dahil idinamay rin siya sa isyung droga nitong ina ni Hayden.

DATI AY TAGUNG-TAGO ni Jennylyn Mercado ang anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz, pero ngayon ay sinisimulan na niyang dini-display. Nu’ng Linggo, dala niya ito nang mag-guest siya sa SOP at naloka ang mga nandu’n dahil guwapong-guwapo sila sa bata.

Minsan, sinadya ko ang Mommy Lydia ni Jennylyn sa bahay nila at ipinakita nga niya sa akin doon si Alex Jazz. Naloka rin ako dahil kamukhang-kamukha talaga ni Patrick. Hindi nga alam ni Jennylyn na nagpakuha ako ng picture pero nangako naman ako kay Mommy Lydia na hindi ko ilalabas. Balak ko lang na ipakita ito kay Patrick kung sakaling magkita kami. Hindi talaga maitatangging si Patrick ang ama dahil halos lahat yata, nakuha nito sa aktor. Sabi nga ni Mommy Lydia, medyo takot daw ang bata sa mga lalaki dahil nakasanayan nito pawang mga babae ang kasama niya sa bahay.

Kaya sinayaw-sayawan ko talaga bago ko kinuha, buti naman hindi umiyak nang binitbit ko.

Ngayon, mukhang open na si Jennylyn sa anak niya dahil mukhang matatagalan pang mai-release ang coffeetable book nila, na malapit nang mag-isang taon, hindi pa rin tapos.

Ayaw na nga ni Jennylyn na mangako kung kailan ito iri-release dahil lagi na lang daw siya sumasabit. Hintayin na lang daw kung lalabas ito o hindi.

Sa susunood na Linggo, nakatakdang umalis si Jennylyn pa-Amerika para magpahinga muna roon. Kinlaro ni Jennylyn na siya lang daw mag-isa ang magbabakasyon at wala raw siyang kasama. Pinagdudahang baka kasama raw nito ang Veejay na si Andrei Felix na hanggang ngayon ay nail-link pa rin sa kanya. Isinusumpa nitong hindi nanliligaw o naging sila ni Andrei. Magkaibigan lang daw sila at sa ngayon nga ay wala naman daw nanliligaw sa kanya kahit handa na raw siyang tumanggap ng mga manliligaw.

Pagbalik ni Jennylyn mula sa Amerika, sisimulan na raw niya ang indie movie, kung saan siya ang gaganap na Gabriela Silang.

by Gorgy Rula

ADVERTISING