Jennylyn Mercado, natawa lang sa ‘huli-cam’ nila ni Dennis Trillo

Jennylyn Mercado, natawa lang sa ‘huli-cam’ nila ni Dennis Trillo

Jennyly-MercadoKIYEME-KIYEMENG IN disbelief, natawa lang si Jennylyn Mercado sa lumabas na litrato sa social media ng isang magdyowa—believed to be her and Dennis Trillo—caught “H.H.W.W.” (holding hands while walking) in Greenhills.

Palibhasa nakatalikod, Jen’s line of defense: “Ako ba ‘yon?”

Papasok na ang buwan ng Hulyo, yet walang direktang pag-amin from either party kung totoo bang nagkabalikan sila. Their pictures splashed over their Instagram accounts, however, would confirm so: mula sa kanilang Lenten Balesin adventure to a UFC fight all the way to Jen’s salon opening recently.

On Dennis’s presence nang pasinayaan ang kanyang salon, Jen simply said in a Startalk interview, “Nag-visit siya sa opening.”

With a sumptuous buffet served during the event indulged in by the guests, for sure, sarap na sarap din si Dennis sa nasabing opening ng salon ni Jen.

Pardon the double entendre.

 

ASWANG SCARE grips the household of Ismol Family this Sunday, bukod sa sari-saring pag-e-emote ng mga tauhan nito.

Certified addict sa video games si PJ, obsessed naman si Ethan kay Yumi na ipinagpapasalamat niya ang ‘di na nito pag-alis patungong London.

Kakaibang addiction to vanity pills ang lumukob sa pagkatao ni Mama A na gustong magmukhang bagets. Ang ending: nagkasakit kaya nagkulong na lang sa kuwarto sa kahihiyan.

Sinaklot naman ng takot sa aswang ang kanilang lugar, kung saan isang residente na ang nakagat ng ligaw na aso. Isang gabi, sumugod ang mga taumbayan sa tahanan ng mga Ismol house, may mga dalang sulo at handa nang dakpin ang pinaghihinalaang aswang, who else but Mama A?!

All this and more, abangan this Sunday sa Ismol Family.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III