Jennylyn Mercado, nanghihinayang sa movie na pang-MMFF

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, nanghihinayang sa movie na pang-MMFF

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Nanghihinayang si Jennylyn Mercado dahil dapat ay may gagawin siyang movie na na isasali sana sa Metro Manila Film Festival.

Kaso, pinagsabihan siyang she will have to start a new soap sa GMA kaya naman tinanggihan na niya ang movie dahil ayaw niyang mangarag.

“Meron naman, kaya lang po hindi namin…mahabang kuwento. Kasi po nagkaroon ng problema. Kasi po dapat sisimulan na naming ‘yung soap doon sa GMA. Eh, kaya lang po, na-delay siya. Nu’ng time na ‘yun,  hindi na namin tinanggap ang movie kasi sabi ko magso-soap tayo. Gusto ko namang mag-focus sa soap kasi baka mamaya haggard-haggard na naman ako,” chika ni Jen sa Ultimate album launch, her sixth solo album.

Naurong nang naurong ang start ng taping ng bago niyang soap and she told the reporters na baka October o last week of October na ito magsisimula.

ADVERTISING

My lips are sealed ang drama ni Jennylyn when asked kung sino ang magiging leading man niya. Talagang ayaw niyang magbigay ng hints sa takot na mapagalitan. Ayaw niyang kumpirmahing si Mark Neumann ito.

“Hindi ko alam kung puwede na po akong magsalita. Baka po pagalitan ako. Basta hindi po siya artista. Moreno siya,” say ni Jen.

“Ayoko nang magsalita. Basta, tingnan ninyo na lang,” sagot ni Jennylyn nang kulitin pa siya sa identity ng kanyang bagong leading man.

Tinanong namin kung si Alden Richards ang original na leading man niya, but she’s too reluctant to answer.

“Hindi ko po alam eh,” was her curt reply.

Anyway, “Hagdan” ang carrier single sa 7-track album ni Jen na nagpapakita sa bawat hakbang na dinaanan niya bago ang tagumpay. May duet din sila ni Christian Bautista sa remake ng “Suddenly”. Also in the tracks are “Bulalakaw” featuring Silent Sanctuary, “Nakaw-Tingin”, “Huling Paalam”, “Lampara”, at “Magkaibang Mundo”.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING