Jennylyn Mercado, nalungkot sa pagkakatsugi ni JM de Guzman sa MMFF movie

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, nalungkot sa pagkakatsugi ni JM de Guzman sa MMFF movie

Jennylyn-MercadoSI SAM Milby ang kapareha ni Jennylyn Mercado sa pelikulang PreNup ng Regal Entertainment na showing na Oct. 14, pero hindi maiwasang hingan ng reaksyon ang aktres tungkol sa pagkakatanggal ni JM de Guzman sa Metro Manila Film Festival movie niyang Walang Forever ng Quantum Productions.

ADVERTISING

Ayon sa aktres, hindi niya kontrolado ang mga pangyayari at nalungkot siya na hindi na makatatrabaho si JM.

“Siyempre, nalulungkot din ako dahil kahit paano, kababata ko ‘yun,” reaksyon agad ng aktres.

“Nag-shoot na rin kami for a day. Pero I think, wala naman ako sa posisyon para magsalita kung ano ba, kasi kahit ako, hindi ko rin alam,” dagdag pa niya.

ADVERTISING

Sinagot din ng aktres ang tanong namin kung totoo bang natakot siya sa mga ginagawa ni JM sa shooting na naging dahilan din kaya nagpasya ang producer na si Atty. Joji Alonso na tanggalin ang actor.

“Hindi naman ako natakot. Basta maayos naman kami. Wala namang… ayoko nang i-explain pa kasi wala namang naging problema,” pag-iwas pa niya.

Pinalitan ni Jericho Rosales si JM sa Walang Forever at nagsimula na raw silang magsyuting.

“May ginawa na kaming teaser shoot. Okey naman, masaya. At saka, iba naman, iba rin si Jericho,” kuwento pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING