Jennylyn Mercado, nakikipag-date na kay Derek Ramsay?

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, nakikipag-date na kay Derek Ramsay?

Jennylyn-Mercado-Derel-RamsayISA YATA sa pinaka-successful na graduate ng Starstruck ay itong si Jennylyn Mercado.

ADVERTISING

Bongga siya, huh! May bagong ipinatayong bahay na nilipatan na pala niya nu’ng kamakalawa lang.

Malapit lang daw ito sa dati niyang bahay na ibinenta na niya. Pero mas malaki ito at mas malawak dahil kailangan daw ng malaking bahay para sa kanyang nag-iisang anak na si Alex Jazz.

Lahat naman daw ng ipinundar niya ay para sa anak niya at kay Mommy Lydia siyempre, na na-enjoy nang husto ang lahat ng pinaghirapan nila.

ADVERTISING

Kaya naman todo-kayod si Jennylyn dahil sa malaking bahay niya at bukod pa riyan, may inupahan din siyang three-storey building na nilagyan niya ng mga negosyo niya.

Alam ko sa may Quezon City din itong building na ito na kung saan doon siya naglagay ng spa, ng restaurant at gym na merong Zumba at ilang exercises.

Hindi lang building, kundi meron din siyang isa pang lugar na kinuha para naman sa nakuha niyang franchise ng isang coffee shop.

Bongga ang Jennylyn, ha! Super yaman!

Sabi naman niya, produkto raw ‘yun ng mga pinaghirapan niya, dahil naging maganda naman ang taon niya ngayon.

Kaya ayaw rdaw muna niyang ma-in love dahil mas gusto niyang mag-focus sa trabaho.

Pero inamin naman niya sa Startalk na meron siyang nakaka-date ngayon, pero ayaw niya talagang sabihin kung sino.

Hanggang date pa lang naman daw at wala pa raw may na-develop. Kung sakaling magkadebelopan, ayaw raw niyang isapubliko dahil mas gusto niya ngayon ang tahimik na lang.

Ayaw nga niyang sabihin kung taga-showbiz o hindi dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ito.

Pero alam mo ang duda ko lang, si Derek Ramsay ‘yan. Iba ang closeness nila sa shooting ng pelikula nilang English Only Please na entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Malalaman din natin ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING