Jennylyn Mercado, nakatutok lang sa career at sa anak

Jennylyn Mercado, nakatutok lang sa career at sa anak

Jennylyn-MercadoNAKATUTOK LANG muna talaga ang panahon ni Jennylyn Mercado sa kanyang showbiz career at sa kanyang anak na si Alex Jazz, dahil nararamdaman niyang hindi ukol sa kanya ang tungkol sa pakikipagrelasyon sa mga panahong ito. Iba na kasi ang sitwasyon niya ngayon, kaya mahirap din para sa kanya na basta na lang pumasok sa bagong pakikipagrelasyon. Lumalaki na si Alex, at future na nga bata ang mas pinahahalagahan niya.

Kung sa personal namang kaligayahan, tanggap na ni Jennylyn na kapag isa ka nang Mommy ay makakaya mong magparaya, dahil iba ang saya na naibibigay ng inspirasyon na mayroon kang anak na nakasasama, dahil wala nga siyang husband. Hindi mahilig magbilang si Jen, pero ang dami-dami niyang manliligaw kung mage-entertain talaga siya ng mga lalaking puwede niyang pagpilian para sa posibilidad na magmahal ulit.

Nagbunga naman ng maganda sa kanyang career ang pagbibigay niya ng panahon, dahil nanalo siyang Best Actress nitong huli, na hanggang ngayon ay ine-enjoy pa rin niya ang sarap sa pakiramdam, na parati pa rin siyang pinupuri tungkol sa award na iyon. Sa ngayon, si Alex Jazz, ang career lang at mga taong nagmamahal sa kanya ang inspirasyon ni Jen. Ipinagkikibit-balikat na lang niya ang sitwasyon, na nagiging suki na talaga siya ng mga pakikipagrelasyong nauuwi lagi sa hiwalayan.

ChorBA!
by Melchor Bautista