Jennylyn Mercado, nagsisimula nang mag-invest sa negosyo

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, nagsisimula nang mag-invest sa negosyo

Jennylyn-MercadoBUTI PA si Jennylyn Mercado na partner ni Derek Ramsay sa movie nila na No English Please, walang problema sa datung!

ADVERTISING

Nakabili na pala ito ng bagong bahay, pagkatapos niyang maibenta ang dati niyang bahay.

Malapit na raw itong lumipat pagkatapos niyang maayos itong bagong bahay.

Bukod sa house and lot na nabili, may inupahan pa raw itong 4-storey building.

ADVERTISING

Balak ni Jennylyn na magkaroon ng negosyo sa building na ‘yun. Maglalagay yata siya ng spa, Zumba studio at coffee shop ba ‘yun?

Kaya may mga sinisimulan na siyang investment para sa future niya at sa kanyang anak.

Bongga na, ‘yun!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING