Jennylyn Mercado, nagsalita na sa ‘kabit issue’

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, nagsalita na sa ‘kabit issue’

Jennylyn Mercado, nagsalita na sa ‘kabit issue’

‘DI APEKTADO, natawa na lang si Jennylyn Mercado nang tanungin kung totoo ba na siya raw ang actress na pinagselosan ni Lian Paz dahil sa nagkaroon sila ng “relasyon” ni Paolo Contis.

Sabi ni Jen, paano raw sila magkakaroon ng relasyon ni Paolo, eh, masaya at happy raw sila ni Luis Manzano.

“Nakakaloka nga ang nakarating sa akin. Hindi ko pinangarap na maging homewrecker or maging other woman,” say ni Jen.

ADVERTISING

Sa isyu naman na secretly married na raw sila ni Luis at naganap daw ang kasalan sa Middle East?

“Grabe nga, nang sabihin ko na walang katotohanan ang ugnayan with me and Paolo. Ang sumunod naman na isyu ay nagpakasal na kami ni Luis. Ang kasal ay dakilang event sa buhay ng isang babae. Kung ikakasal ako, gusto ko nasa event ang mga mahal ko sa buhay especially my Mommy Lydia, my son Jazz, my manager Tita Becky (Aguila) at mga dearest friends,” pahayag ni Jen.

Pinagdiinan pa ni Jen na malayo pa siyang magpakasal dahil kapwa raw sila busy sa kanilang career ni Luis.

Ang nasa isip daw ngayon ni Jen ay kung paano mabibigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak bago pag-isipan ang paglagay sa tahimik.

Naiintindihan din daw ito ni Luis at maligaya naman daw sila sa sitwasyon nila ngayon ng binatang anak nina Gov. Vilma Santos at Edu Manzano.

 

NAKIUSAP DAW si Manny Pacquiao sa GMA Management na hintayin siya muna bago tapusin sa ere ang kanyang show na Manny Many Prizes.

Gusto kasi ni Manny na siya mismo ang magsabi sa mga tagasubaybay ng kanyang show bago ito tsugihin sa ere. Gusto niya na siya mismo rin ang magpasalamat sa lahat ng sumubaybay at ito ay magaganap pagkatapos ng kanyang laban kay Juan Manuel Marquez sa Dec 8 (Dec.9 sa ating bansa) sa Las Vegas.

Sana bago magpaalam ni Manny sa kanyang MMP ay maayos din nito ang tila samaan ng loob daw ngayon ng co-hosts niya sa show na sina Paolo Contis at Gladys Guevarra.

‘Di ba nag-react si Gladys sa naging pahayag ni Paolo na kilala niya kung sino ang nagsulsol sa wife niyang si Lian kaya lalong naging grabe ang away ng mag-asawa.

Eh,feeling ni Gladys ay siya ang pinatatamaan ni Paolo na nagsusulsol kay Lian nang kung anu-anong tsismis na hindi naman daw totoo.

Kaya ayun kapag nagkikita raw ang dalawa sa MMP ay walang katapusang dedmahan ang nangyayari.

 

TULOY NA at wala nang makapipigil sa plano nina Katrina Halili at Kris Lawrence na sa January 20 next year na magaganap ang binyag ng baby girl nila na si Katrence.

Kaya naman ngayon pa lang ay inaayos na nila ang lahat para walang maging problema, kesehodang dalawang buwan bago ganapin ang binyagan. Mabuti na raw hangga’t maaga ay okey na ang lahat na kailangan sa simbahan at ang mga magiging ninang at ninong ni Katrence.

“This experience has brought us so much closer. Sobrang hanga ako sa kanya. Hangang-hanga ako sa kanya sa pagiging mommy. She’s hands-on. She’s super mom,” patukoy ni Kris kay Katrina.

Nagdesisyon na rin si Katrina na magpapalipas sila ng Pasko at Bagong Taon sa kanilang province sa Palawan para umiwas sa usok.

Nangangamba kasi si Katrina na makasama sa baby nila ni Kris ang mga usok na galing sa mga paputok sa tuwing sasapit ang disperas ng Bagong Taon.

At sa susunod na Pasko at Bagong Taon naman ay sa Tate naman sila magse-celebrate sa piling ng mga magulang ni Kris. Nasa US kasi ang buong pamilya ng guy.

Samantalang ‘di naman tutol si Kris na balikan ni Katrina ang showbiz. Alam kasi nito na mahal ng aktres ang trabaho nito sa showbiz.

“Whatever she wants to do, I’ll support her. As long as she’s happy, I’m happy,” say ni Kris.

Tungkol naman sa pagpapakasal nila. Wala pa raw plano dahil uunahin muna nila ang binyag ni Katrence.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING