Jennylyn Mercado, nagpasalamat sa GMA sa suporta sa kanyang pagbubuntis

NAGPASALAMAT si Jennylyn Mercado sa GMA Network dahil naging malawak ang pag-unawa nito sa kanyang maselang kondisyon. Ito ay matapos maantala ang lock-in taping ng dapat sana’t first TV project nila ni Xian Lim na ‘Love. Die. Repeat’.

Habang nasa lock-in taping ay nakaranas ng kakaibang karamdaman si Jennylyn na isinugod ito sa ospital. Dito nalaman na siya pala ay nagdadalang-tao.

Jennylyn Mercado, nagpasalamat sa GMA sa suporta sa kanyang pagbubuntis
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

Noong Biyernes ay sabay nilang kinumpirma na ng longtime boyfriend na si Dennis Trillo na they’re expecting and that they’re finally engaged!

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ay naghayag ng pasasalamat ang Ultimate Star ng Kapuso Network.

 “Maraming salamat sa aking the GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish ‘Love, Die, Repeat.’ next year once I am ready to work again.

“Sobrang thankful ako at tuloy pa rin ang show. I love my GMA family, from the moment I started as an actress.

“Nafeel ko na hindi lang ako artista sa network, kundi parte ng pamilya nila. Madami akong pinagdaanan at kung wala ang GMA hindi ko alam kung malalagpasan ko eto.

“I am blessed to be a Kapuso.”

Maliban sa highly anticipated ‘Love. Die. Repeat’ nila ni Xian Lim, may movie project din na nakaantabay para sa pagbabalik ni Jennylyn once she’s ready to work after giving birth.

“Aside from the TV project, may movie pa ako. Lahat ‘yan gagawin ko once I am ready to go back to work,” pagkumpirma ni Jennylyn sa kanyang exclusive interview with Preview Magazine.

Since publicly confirming the pregnancy and their engagement ay naging positibo ang pagtanggap ng mga fans and followers nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kahit kami ay kinikilig dahil nakita natin ang pinagdaanan ng lovebirds na ito.

Congratulations, DENJEN!