Jennylyn Mercado, naalagaan ang sarili nang makipaghiwalay kay Luis Manzano

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, naalagaan ang sarili nang makipaghiwalay kay Luis Manzano

Jennylyn-MercadoNAGTAGAL DIN naman ng halos dalawang taon ang relasyon nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, kaya walang dudang minahal niya rin ang panganay na anak ni Governor Vilma Santos-Recto. Pero sa napaka-positive na dating ng personality ngayon ni Jennylyn, masasabing kung ikukumpara sa mga magkakasunod niyang nakarelasyon at nakahiwalayang sina Mark Herras, Patrick Garcia at Dennis Trillo, mas cool siya ngayon sa naging hiwalayan nila ni Luis.

Nagmukhang mas bata ngayon si Jennylyn kumpara sa kanyang edad. Fresh na fresh ang dating niya, na hindi mo aakalaing nagkaroon na siya ng anak, si Alex Jazz. Kapag Sunday at parampa-rampa si Jen sa labas ng studio ng Sunday All Stars ng GMA-7 ay pinagtitinginan ng mga tao ang kanyang kaseksihan na parang Barbie doll, dahil sa kaseksihan niya ngayon. Tutok din si Jen sa kanyang trabaho, kaya napapansing humuhusay pa siyang aktres sa teleseryeng Rhodora X.

“Sa ngayon siyempre, kung ano man ang mga hindi magagandang nangyari sa buhay ko, eh, nariyan naman ang malaking inspirasyon ko sa buhay, ang anak ko. Puwedeng nakatulong din naman ang mga karanasan sa paghugot ng maayos na acting, pero dapat din naman, bilang artista, ibigay mo ang makakaya mo kasi trabaho mo ‘yan, eh,” wika ni Jennylyn.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING